Chapter 1

1507 Words
“Oceana! Yung pina labhan ko sa ‘yo, nasaan na!” umagang umaga ay dinig na dinig ko na agad ang boses ni tiyang na sumi sigaw dahil hindi niya ma hanap ang damit na nilabhan ko para sa su suotin niya ngayon. Kamot batok naman akong lumapit sakanya at tinuro ang polo at slacks nan aka sabit sa may pintuan ng kwarto niya. “Tiyang, iyan po ang damit niyo,” sagot ko sakanya at pagka tapos ay tinuro ko sakanya ang damit. “Nandito lan g pala, bakit naman hindi ko ‘to nakita kanina?” tanong niya sa sarili niya. Ngumiwi naman ako sa sinabi niya at napag desisyunan ko nalang na lumabas ng kwarto niya dahil nag simula na siyang mag bihis kahit nasa kwarto pa niya ako. “Yung baon ko palang pagkain para mamaya Oceana, nai luto mo na ba ha?” tanong ni tiyang sa akin. Pagod akong tumango sakanya. “Opo tiyang, naka hand ana po, nasa lamesa po” sagot ko naman sakanya dahil kahit tumango ako ay baka sabihin niya hindi ko sinagot ang tanong niya at pa galitan na naman ako. “Osiya, salamat. Yung mga anak ko ha, asikasuhin mo,” sagot niya sa akin. “Opo tiyang, hintayin ko nalang po silang ma gising,” sagot ko at agaran na akong umalis ng kwarto niya. Ganyan palagi ang ganap sa bahay kapag umaga, ma aga akong gi gising para mag luto ng pagkain dahil nag ba-baon si tiyang sa trabaho niya, habang si tiyong naman ay wala rito sa bahay, lingguhan kung umuwi kaya kami kiami lang ang nandito kasama ang dalawang anak ni tiyang na abbae. Parehong maldita palibhasa alam n ilang mas maganda ako sakanila kahit basahan pa ang ipa suot nila sa akin. Walang araw na da daan na hinding hindi nila ako a awayin, wala naman akong pakielam sa presensya nila dahil ang gusto ko lang ay hindi ako palayasin dito sa bahay dahil hinding hindi ko alam saan ako pu punta kung sakali. “Oo nga pala Oceana, huwag kang lumabas labas ng bahay dahil talamak ngayon ang kidnapping sa labas! Baka bigla kang ma tyempuhan naku!” sambit ni tiyang sa akin. Naka ngiti naman akong tumango sa sinabi niya dahil kahit pa paano ay ramdam ko pa rin na nag aalala siya sa akin. “Kapag nakuha ka wala nang mag a asikaso sa aming mag nanay, kaya huwag na huwg kang mag la labas labas diyan,” dugtong pa niya kaya na wala ang ngiti sa labi ko. Kaya pala ayaw akong ma dukot ay dahil wala na silang magiging ka tulong dito sa bahay. Ang kapal ko naman yata para isiping nag aalala siya sa akin eh isang ka tulong lang naman ang tingin nila sa akin dito sa bahay. “Opo tiyang,” sagot ko naman sakanya dahil wala naman din akong ga gawin sa labas kaya hindi rin naman ako nag la labas labas din. “Osiya a alis na ako, ang mga pinsan mo ha!” sambit niya sa akin. Tumango nalang ako at hindi na ako sumagot. Pina nood ko nalang siyang umalis ng bahay, tumambay muna ako sa labas dahil hindi pa naman gising ang dalawang prinsesa. Magkaka pikunan lang kaming tatlo kung gi gisingin ko silang dalawa tapos ayaw naman pala nilang gumising. Ilang sandali pa ay dumaan sim ang Andoy sa tapat bahay. “Oh Oceana, kumain kana ba hija?” naka ngiting tanong niya sa akin. Si mang Andoy ay may ari ng isang bakery na pinag ta trabauhan ko madalas, kapag wala na sila tiyang ay nag pu punta ako sa bakery niya para mag trabaho. “Hindi pa po, hini hintay ko pa po ma gising ang dalawang prinsesa,” naka ngising sagot ko sakanya. Na tawa naman siya sa sinabi ko at inabutan niya ako ng isang supot. “Hay nako, mamaya pa gi gising yang mga pinsan mo kaya ito kumain ka muna, mag madali baka bigla ka nilang ma kita at agawin pa ang pagkain mo,” naka ngiting sambit niya sa akin. Ngumiti ako sakanya at tumango. “Maraming salamat po!” tuwnag tuwang sambit ko sakanya. Tumango naman siya sa akin at ngumisi. “Walang anuman, mamaya ha? Hi hintayin kita sa bakery, sayang ang kita,” naka ngiting sagot niya sa akin. Tumango ako sakanya at pumasok na ako ng bahay at dumiretso sa kusina, isinalin ko sa plato ang spaghetti na bigay nim ang Andoy sa akin at nag simula nang kumain. Habang kuma kain ako ay napag isip isip ko kung gaano ako ka swerte sa mga taong naka paligid sa akin sa labas ng bahay habang sa loob naman ay daig ko pa ang alila dahil sa mga utos sa akin. Ang katwiran nila sa akin ay nakiki tira ako nang libre sakanila kaya dapat mag bayad ako sakanila gamit ang pag gawa ko ng mga gawaing bahay. Pero hindi naman nila sa akin sinabi na ang pag gawa ko ng gawaing bahay ay para na akong katulong nila sinu swelduhan kahit isang daan lang sa isang araw. Saktong pagka tapos kong kumain at hugasan ang pinag kainan ko at na gising na ang dalawang prinsesa na kung maka utos akala mo talagang mga prinsesa sa palasyo na kailangang kailangan mong pag silbihan. “Anong pagkain Oceana?” tanong sa akin ni Jewel. Pinakita ko naman ang spam at itlog n aini luto ko kaninang maaga dahil nga mag ba baon si tiyang. “Bakit wala naman sabaw?” naka ngiwing tanong ni Jade sa akin at umupo na siya sa lamesa at nag simulang kumuha ng pagkain. “Wala pang pwedeng ma iluto na pwedeng lagyan ng sabaw dahil hindi pa nakaka uwi ang tiyong kaya puro de lata muna ang mai hahanda ko kapag umaga,” sagot ko naman sakanila dahil umaga at gabi lang naman sila nakaka kain dito sa bahay dahil buong araw din silang nasa school, habang ako naman ang na iiwan dito sa bahay. “Baka naman inu ubos mo ang stocks dito sa bahay?” kunot noong tanong ni Jade sa akin. Na tawa naman ako sa sinabi niya sa akin. “Hindi ganoon ka rami ang bini bili ni tiyong kapag umu uwi siya rito, kung gusto mong palaging masarap ang ulam mo kapag umaga at gabi sabihan mo siyang dagdagan ang pagkain na bibilhin niya kapag na uwi siya dahil kahit sabihan mo akon inuubos ko ang pagkain dito sa bahay, wala naman akong uubusin dahil halos kulang pa nga ang pagkain kung hindi ko pa I bubudget,” mahabang paliwanag ko sakanya at isa lang naman ang hini hiling ko. Ang ma intindihan niya ang pa liwanag ko, kapag hindi niya ‘yon ma intindihan, hindi ko na rin problema ‘yon dahil hindi ako ka sing kitid ng utak niya. “Oh bakit ka muna naga galit, Oceana?” ma taray na tanong ni Jewel sa akin. Napa iling nalang ako sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung ano bang depinisyon niya ng galit at bakit nag papaliwanag lang ako ay ini isip na niya agad na galit ako. “Nag papaliwanag lang ako, Jewel. Hindi ako galit, bilisan niyong kumilos diyan dahil ma le late na kayo sa school, I hahanda ko na ang mga uniform na su suotin niyo,” sagot ko sakanila at pumasok na ako sa mga kwarto nila. Pagka pasok ko sa kwarto ni Jade ay agad akong napa ngiwi nang ma kita ko ang kwarto niya na sobrang gulo, hindi ko na pinansin ang kwarto niya dahii pag bintangan pa niya akong may kinuha sa mga gamit niy kahit wala naman. Ang lakas pa naman mag Bintang nong babaeng ‘yon akala mo naman may ka nakaw nakaw sa mga gamit niya eh wala naman talaga. Pagka tapos kong ma ayos ang uniform ni Jade ay dumiretso ako sa kwarto ni Jewel, kumpara sa kwarto ni Jade ay mas maayos ang kwarto ni Jewel. Mas ma linis kaya mas lalong ayaw kong pinapakielam ang kwarto niya dahil ang mga make up na bini bili niya ay nasa harapan ng tukador niya at baka pag bintangan pa akong kumuha kahit si Jade naman talaga ang nag nakaw sa gamit niya. Pagka tapos na pagka tapos ko ayusin ang uniform ni Jewel ay lumabas na rin ako ng kwarto niya at dumiretso ako sa kusina kung saan kuma kain ang dalawang mag kapatid. “Tapos na kami Oceana, paki hugasan nalang ang mga plato, kumain kana rin,” sambit ni Jewel sa akin. Tumango naman ako sa sinabi niya at tinignan ang pagkain sa lamesa, hindi naman nila inubos ang ni luto ko. “Mabuti naman at nakakapag isip isip pa sila kahit kaunti nang ma ayos,” sambit ko sa sarili ko at kumuha ako ng plato at nag simula nang mag sandok nang kanin dahil hindi pa rin ako na busog doon sa spaghetti na kinain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD