Cheska's Pov Nasa tapat ako ng salamin habang inaayusan ako ng isang make up artist. Today is our wedding day. Yes, ikakasal na kami ni Klyde. "Ang ganda-ganda mo namang bride," sabi ng babaeng umaayos sa make up ko. "Salamat," sagot ko rito. Masayang-masaya ako dahil matutupad na ang pangarap namin ni Klyde. Isang linggo ang nakalipas mula ng dinala ako sa ospital. Masiyado raw akong stress kaya naapektuhan si baby. Mabuti na lang at fighter ang baby ko. Hindi siya bumitaw. Nang araw na nasa ospital kami ay laking gulat ko nang magising ako at nabungaran ang nag-aalalang mukha ni Klyde. Hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala ang pangyayari sa ospital. "Babe, huwag masiyadong gumalaw. Ang baby baka kung mapaano. I'm so sorry babe. Hindi dapat kita binigyan nang sama ng loob." "Our

