Cheska's Pov "Oh my! Totoo ba ito?" tanong ko kay Ziana. "Dumating 'yang sobre na 'yan kahapon sa bahay. Ayaw naman sabihin nang nagdala kung kanino galing 'yan. We don't know yet if it's really true or not. My Dad and I will bring it later to his friend, which is a Doctor. Aalamin namin kung totoo ang mga nakasulat diyan o hindi." "Kailan n'yo balak sabihin kay Marco ito?'' tanong ko. "What they should tell me?" singit ni Marco na kararating lang. Lumapit ito sa akin at hinalikan ang noo ko. Napalingon naman ako kay Ziana at pinandilatan niya ako ng mata. Para bang sinasabi niyang huwag akong magsalita. "Pinag-uusapan lang namin 'yung about sa birthday party nitong si Ziana. Tatanong niya if p'wede raw ba akong sumama saka ikaw?" palusot ko. Sa susunod na araw na kasi ang 23rd birth

