Cheska's Pov Nakaupo ako habang nagbabasa ng libro. Ang sarap langhapin ng sariwang hanging mula sa dagat. Hinahangin pa nga ang buhok ko. "Mahilig ka pa rin pala sa libro hanggang ngayon." Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Nicole. Tatlong buwan na rin siyang nakatira dito. Tatlong buwan na rin akong nagtitiis at naiinis sa pagmumukha niya. Minsan sobrang bait niya sa akin. Minsan naman sobrang sungit. Ewan ko ba sa kanya. Pumayag ako at si Marco na tumira siya rito. Hanggang sa maapprove ang pag walang bisa ng kanilang kasal. Tungkol kay Klyde, Hindi ko na inalam pa ang tungkol sa kanya. Ang huli kong balita ay narito na siya sa pinas. Pero ni anino niya ay Hindi nagpakita sa akin. Wala na akong balak pang makipagkita sa kanya. Posible man na siya o Hindi ang ama ng anak ko, Hindi

