Chapter One - Surrender

1514 Words
Cheska's POV Nagising akong nasa ibabaw ng matitipunong braso ni Klyde ang ulo ko. Nakayakap siya sa mga baywang ko. Kagabi ang pinaka espesyal na gabi para sa akin. Iyon ang gabi na isinuko ko ang aking sarili sa taong mahal ko at alam kong mahal niya ako. Alam kong mali iyon. Pero anong magagawa ko mahal ko iyong tao. And, besides matagal na rin kami ni Klyde. Niyakap ko siya at inalala kung paano namin pakitunguhan noon ang bawat isa. Four years na kaming magkarelasyon. My mom and his mom are bestfriends. Simula pagkabata ay magkakilala na kami. Kaso nagpunta sila ng America nung tumuntong kami pareho sa edad na sampu. Nandoon kasi ang grandparents niya. Medyo may edad na kaya kailangan ng may mag-aalaga. After 8 years bago sila bumalik dito sa Pilipinas. It was the year of my debut. Four months before my birthday ng dumating sila. They stayed in our house for one week. That one week is hell for me. I find him so irritating and annoying. Lagi siyang nagpapapansin at nang-aasar. Taliwas siya sa lahat ng gusto ko. That was before when we are enemies. But then, heto kami turn into lovers. Napaka-cliche na siguro ng kwento namin. Yung hate namin ang isa't isa pero in the end nagkagustuhan din. Nagsimula yung feelings ko magmula nung ma-hospital ako. Almost one month akong bed ridden, because of his childish act. Akalain niyo bang lagyan ng mantika yung hagdan. When I do my first step down stairs nadulas ako. Akala niya masasalo niya ako pero hindi. We both slipped on what he made. Niyakap niya ako, hanggang sa nagdire-diretso kami sa baba. Imagine 15 steps yun from our second floor to the ground. Mas napuruhan ako, my waist got injured. Akala ko hindi na ako makakalakad. But the doctor said, need lang ng one moth bed rest. Si Klyde ang nag-alaga sa akin. Naguilty sa ginawa niya. Mas nakilala ko siya that time. Nakita ko ang totoong siya. Hindi naman pala ganoon kasama at nakakairita ang pag-uugali niya. I fell inlove with him. Yung ngiti niyang makalaglag panty. Umamin siya na kaya niya ako inaasar dahil noon pa man na mga bata kami ay may gusto na siya sa akin. Na-challenge sa akin dahil lahat ng girls na nakakasalubong niya sa America pinapansin siya. Himala raw na ako hindi naapektuhan sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya napansin. Siguro wala naman kasi sa utak ko yung mga ganoon. Ang nasa utak ko ng mga panahong iyan ay mag-aral nang mag-aral. Nagbago lahat ng dumating siya. He court me, then during my debut I accept him as my boyfriend. Talagang mararamdaman mo yung care and love niya. Walang araw na hindi niya ako napapakilig kahit sa simpleng bagay lang na nagagawa niya. Alam kong liberated siya dahil nga sa ibang bansa siya lumaki. Pero ni minsan hindi siya nagkamali na may gawin or something. Dahil alam niyang ikakagalit ko iyon. Napangiti na lang ako sa aking naalala. Pero kagabi bumigay ako. Hindi ko dapat pagsisihan ang nangyari kagabi. Kagustuhan ko iyon. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya ng maalala kong hindi lang pala isang beses may nangyari sa amin. It's our first time kaya medyo awkward. Dapt ko bang i-open sa kaniya ang topic about dun? Ramdam ko pa rin ang sakit ng ibabang parte ko. Hindi ko rin alam kung bakit ba bigla na lang akong nag-init kagabi. Paano ko ba siya dapat pakitungahan? Tatanungin ko ba siya kung okay lang siya? Kung ano ba ang pakiramdam niya kagabi? Bigla akong napailing sa mga tanong na naisip ko. "Hindi, hindi dapat gano'n. Magtira ka naman ng katiting na kahihiyan sa sarili mo Cheska," bulong ko sa aking sarili. "Babe," hinila niya ako at muling pinahiga sa braso niya. "Maaga pa, tulog pa tayo," sabi niya. Malamig ngayong umaga, pero bakit pakiramdam ko mainit. Hindi ako makagalaw ng maramdaman ko ang paggalaw ng kaniya malapit sa balat ng mga hita ko. Oh my God, naramdaman ko iyon at malaki iyon. Hindi ko alam kung paano nagkasiya iyon sa akin kagabi. Bigla akong napaupo, nataranta ako bigla. Ipinulupot ko ang kumot sa aking katawan. Para akong siraulo na nahihiya na ewan. Samantalang ako ang may kasalanan kung bakit may nangyari sa amin. Nahihiya talaga ako sa sarili ko. Naramdamn kong napaupo rin siya. Hinawi niya ang buhok ko at isinabit iyon sa aking tainga. "Ang pula ng pisngi mo babe. Teka, ano bang nangyayari sa'yo?" Hinawakan niya ang mukha ko para mapabaling ang tingin ko sa kaniya. Pero hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. "Nahihiya ka ba?" Bigla naman siyang tumawa. "Seriously,babe. Halos nakabisado ko na lahat ng parte ng katawan mo. Ngayon ka pa mahihiya?" tanong niya na bahagya pa rin ang tawa. "Look, babe, don't be shy. Wala kang dapat ikahiya. Hindi ko uungkatin kung anong nangyari kagabi, okay? Kuhanin ko na ang mga damit mo. Kailangan nating makabalik sa resort. Panigurado nagugutom ka na," sabi niya sabay tayo. Ang buong akala ko ay wala siyang saplot. Iyon pala ay suot-suot niya ang kaniyang boxer short. Kinuha niya sa pagkakasampay ang mga damit ko at ibinigay iyon sa akin. Tahimik lang kami habang naglalakad. Mabuti na lang at hindi na niya muli pang binuksan ang topic about dun sa nangyari. Medyo malayo na rin ang nalakad namin mula roon sa kubo na pinanggalingan namin. Medyo hirap din ako sa paglalakad dahil masakit ang ibabang parte ko. Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Dala na siguro ng walang kain at inom ng tubig. Nauuna sa paglalakad sa akin si Klyde. Sa hindi ko malamang dahilan pakiramdam ko ang layo ni Klyde sa akin. Kadalasan kasi kapag nasa ganitong sitwasyon kami, inaalalayan niya ako. Pero ngayon hindi para bang naglalakad siya ng walang kasama. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo hindi ko na kaya yung sakit. Napapikit na rin ako. Nang imulat ko ang mata ko ay hindi ko makita ng maayos ang dinadaanan ko. Biglang nanlabo ang mga mata ko. Pero pinilit ko pa rin ang sarili kong umayos sa paglalakad. "Cheska! Klyde!" Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang mga boses ng mga kaibigan ko. Dali-dali akong lumakad patungo sa pinanggalingan ng boses. Nilagpasan ko na nga si Klyde. Bago pa man ako makarating sa mga kaibigan ko. Nakaramdam ako ulit ng pagkahilo. Nanlabo na talaga ang paningin ko. Naramdaman ko na lang na bumagsak ang katawan ko sa lupa. ----- Nagising akong may malamig na kung anong nakapatong sa ulo ko. Kinapa ko iyon at napagtanto kong may bimpo pala ako sa ulo. Hindi lang siya basta malamig, as in super lamig niya. Iminulat ko ang nata ko at nakita ko ang maliit na palang-gana na nasa ibabaw ng lamesa, katabi ng kama hinihigaan ko. May lamang tubig iyon kasama ng mga lumulutang na maliliit na yelo. "Cheska? Waaah! Gising ka na nga. Wait, tatawagin ko lang si Ate Myrna ah." Tarantang sabi ng bestfriend kong si Ziana. Si ate Myrna siya yung care taker ng resort na inarkilahan namin para sa camping. "Wala na siyang lagnat. Kailangan na niyang kumain para mainom na niya ang gamot niya. Maiwan ko na muna kayo. Tatapusin ko yung niluluto kong nilaga para makapananghalian na kayo. Iha, huwag ka muna magkikilos baka mabinat ka." Tumango na lang ako sa sinabi ni ate Myrna. "Pinag-alala mo akong babaita ka! Ano bang nangyari at bakit inapoy ka ng lagnat?" tanong ulit sa akin ni Ziana. "Naulanan kasi kami kagabi. Tapos wala pang kain-kain," sabi ko. "Ang barkada nasaan? Si Klyde?" Sunod-sunod kong tanong. "Nasa labas sila naliligo. Yung boyfriend mong feeling gwapo, bumili ng gamot sa bayan. Wala na kasing stock sila ate Myrna ng gamot dito. Last na yung iinumin mo mamaya." "How's tito and tita? Nasa bakasyon sila right? Sabihan mo yung pasalubong ko ah," sabi ko. Sabay irap ng mga mata niya. Uupo sana ako kaso medyo uminda ako sa sakit na naramdaman ko. Nakita naman ni Ziana ang ekspresyon ng mukha ko. Kaya bigla siyang lumapit sa akin at inalalayaan ako. "May masakit pa ba sa'yo? Saan ba kasi nagpunta ni Klyde at naligaw kayo? Puro ka kasi boyfriend ang inaatupag. Akala mo wala kayong kasama. Paano kung hindi lang ganyan nangyari sa'yo? Naku, lagot talaga ako sa mommy mo. Pinaniwala ko ang mommy mo na safe ka kapag kasama mo ako. Tapos anong nangyari, nagkaganyan ka--" "Opo, nay!" pigil ko sa sasabihin niya. "Best okay lang ako. Huwag ka ngang nega diyan. Saka isa pa magkasama naman kami ni Klyde eh," sabi ko sabay kagat sa ibabang labi ko. Nang biglang maalala ko ang nangyari kagabi. Uminit ang pisngi ko. "Bakit namumula ka? Huwag mong sabihin na isinuko mo na ang bataan!?" Nanlalaking mata na tanong ng bestfriend ko. "Sorry best, yes, I surrender." Nang marinig niya ang sagot ko. Bigla siyang nanahimik at napailing. Siya naman dating ni Klyde na may dala-dalang boquet ng flowers at gamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD