Cheska's POV
Hindi ko alam pero mas lalong naging sweet si Klyde sa akin. Isang linggo na ang nakalipas mula nung may mangyari sa amin. Simula noon, araw-araw niya akong pinapadalhan ng flowers, hindi lang isang beses kundi tatlong beses sa isang araw. Halos mapuno na nga ng flowers ang buong Cake Shop ko.
Yes, I have my own shop. Ito ang tanging naiwan sa akin ng tunay kong mga magulang na hindi ko nakita o nakilala man lang. Lumaki ako sa isang bahay ampunan sa lugar ng San Isidro.
Inampon ako ng pamilyang Remudes. Pitong taon na ako noon kaya alam ko na ang nangyayari sa paligid ko. Nagpapasalamat ako at sila ang umampon sa akin.
Ipinaramdam nila sa akin na bahagi talaga ako ng pamilya. Si ate Ashlyn lang ang may problema sa akin. Si ate Ashlyn ang tunay na anak nila Mommy Cecil at Daddy Ian.
Biglang tumunog ang cellphone ko habang hinihintay kong maluto ang chocolate cake na nakasalang sa malaking oven. Sinagot ko agad iyon nang makitang si Klyde ang tumatawag.
"Hello!" bungad ko nang sagutin ko ang cellphone ko.
"Are you ready for tonight babe?" tanong niya.
"Yes babe. Ano ba kasing mayroon mamaya at hindi ako pwedeng tumanggi? Tatapusin ko lang itong bini-bake ko tapos uuwi ako para magbihis. Si Ziana na ang kasabay ko papunta diyan."
"Hihintayin kita babe. Huwag ng maraming tanong. Magagalit si Mommy kapag hindi ka nagpunta rito," sabi pa niya.
"Oo na. See you later, babe. I love you! Bye." Hindi ko na hinintay pa siyang makasagot dahil narinig kong tumunog ang oven. Alam ko na naman ang sagot niya sa sinabi ko.
-----
Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong naligo at nagbihis. Isang fitted na black dress ang suot ko. Kita ang sexy back ko at medyo lantad rin ang dibdib ko. Pero hindi naman masiyadong revealing. Baka kasi mapagalitan ako ni Klyde.
Narinig kong tumunog ang doorbell ng apartment ko. Alam kong si Ziana na iyon. Kinuha ko ang pouch ko at agad na bumaba. Binuksan ko ang pinto at na-starstruck na naman ako sa ganda ng bestfriend ko. Nakasuot siya ng isang floral dress na above the knee ang haba. Sphagetti strap ang style ng dress. Kaya kitang-kita ang maputi at makinis niyang balat.
Kabaliktaran naman ako ni Ziana. Morena kasi ako. Ang lamang ko lang ay mas matangkad ako sa kaniya.
"Wow, best. You're so gorgeous. Panigurado malalaglag na naman ang panga ni Kylde sa iyo," namamangha niyang sabi.
"Naku ha, wala akong pera ngayon, best. Salamat lang ang maibibigay ko sa papuri mo." Hinampas ko naman siya ng bahagya.
"Tara na baka naiinip na sa paghihintay ang boyfriend mo." Sabay kaming sumakay sa kulay itim niyang kotse.
Medyo marami nang tao sa bahay nila Klyde. Wala talaga akong ideya kung anong mayroon ngayon. Biglaan kasi ang party.
"Ziana, alam mo ba kung anong mayroon ngayon? Nagtataka lang kasi ako biglaan ang party ni Tita Sarah." Tanong ko sa bestfriend ko. Si Tita Sarah ang mommy ni Klyde.
"Aba malay ko! Niyaya mo lang din naman ako 'diba? Ito ata yung sinasabi ni Nate na surprise party. Malalaman din natin mamaya kung anong mayroon." Tumango na lang ako sa sinabi niya.
Ang totoo niyan wala talagang balak si Ziana na sumama sa akin. Pinilit ko lang siya at ng mga barkada. Medyo kill joy kasi 'yan kapag may kinalaman kay Klyde. Lalo na kay Tita Sarah, napag-alaman kasi niya na ang mommy ni Klyde ay masama ang ugali no'ng high school days. Mahilig mang-bully, isa na ang mommy ni Ziana sa na-bully nito noon, si Tita Aubrey. Sabi naman ni Tita Sarah nagbago na siya, immature pa kasi siya ng mga panahong iyon.
Nakita ko ang boyfriend kong nakasuot ng tuxedo. Kulay asul ang panloob niya. Medyo nakatayo rin ang mga buhok niya. May maliit na ribon sa bandang leeg niya. Kahit saang anggulo mo siya tignan napaka-perpekto niya.
Magmula sa kanyang nangungusap na bilugang mata. Pointed nose, pink kissable lips na tinernuhan ng mapuputing ngipin.
Nakita ko ang pagbuka ng kaniyang mga labi habang in-exam-in ang suot ko mula ulo hanggang paa. Lumandas ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya akong ngumiti. Nagpaalam siya sa kaniyang kausap bago lumapit sa akin.
"Good evening my beautiful girl. I can't take my eyes off you. I want to take you in the place that only you and me. So I can tell you how much I'm inlove with you. Can I kiss you?"
Bigla naman akong namula sa sinabi niya.
Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Marami rin kasi ang tao nakakahiya naman sabihin pa nila napaka-PDA couple namin. Pero nagulat na lang ako nang bigyan niya ako ng isang mabilis na halik.
"Nakakaumay! Maiwan ko na nga kayo, hanapin ko lang si Georgina bakla. Nag-text kasi siya na nandito na raw siya. Mukhang hindi ako nag-eexist sa eksena rito, e," ani ng bestfriend ko. Umirap pa siya sabay ngiti bago umalis.
"A, Klyde, si Tita Sarah and Tito Liam?" tanong ko. Sabay lagay ng aking kamay sa kaniyang braso.
"Nasa loob sina Mom at Dad, kausap ang mga long time friends. Bakit?"
"Wala lang, kakamustahin ko lang sana sila. Medyo busy pa sila so mamaya na lang. Hindi naman nila anniversary 'di ba? So, anong mayro'n?"
"It's a surprise babe. Kapag sinabi ko sa'yo hindi na 'yun surprise. Kaya wait and be nervous," sabi niya at itinaasa baba pa ang kilay niya.
Hindi na ako nagtanong pa, nahihiwagaan talaga ako kung anong mayro'n. May kutob kasi akong hindi magandang mangyayari ngayong gabi. Huwag naman sana.
"Ladies and Gentleman thank you for coming tonight," bati ni Tito Liam sa lahat may hawak itong mikropono nakahawak sa kabilang braso niya si Tita Sarah. Napalingon lahat ng bisita roon sa mini-stage malapit sa pool area.
"This night is a very special night for my son. Wait, Son can you come here on the stage?" Napalingon naman ang lahat sa pwesto namin ni Klyde. Nakaakbay siya sa balikat ko, kumaway siya at ngumiti.
"Babe, akyat lang ako sa stage." Ngumiti ako at tumango.
Sa apat na taon na relasyon namin ni Klyde, medyo hindi pa rin ako sanay tuwing itutuon ng karamihan ang tingin nila sa amin. Lalo na sa tuwing kasama ko ang boyfriend ko. Ikaw ba naman ang maging boyfriend ay anak ng isang Congressman. May pangalan sa mundo ng politika. Maraming reporters ang nasa paligid.
"Friend, ayan 'yung girlfriend niya na sinasabi ko sa'yo. Sabi ko naman sa'yo 'diba? Taken na si Mr. Javier," sabi ng isang babae malapit sa pwesto ko.
"Hindi naman hamak na mas maganda at sexy ako sa babaeng 'yan. Mukhang hindi nga makabasag pinggan. Baka hindi pa nga nakaka-score si Klyde sa kaniya, e. Tingnan natin kung maghubad ako sa harap ni Klyde, kung hindi siya mapunta sa akin." Bigla pa siyang tumawa ng parang demonyo.
Napailing na lang ako at napangiwi. Gano'n na ba kadesperada ang mga babae ngayon? Kailangan pang maghubad para makuha ang lalaking gusto nila? Kaya maraming naghihiwalay ng dahil sa third party. Marami rin kasing malalandi na nagkalat sa mundo.
"Kahit maghubad ka sa harapan ng boyfriend ko hindi ka niya papatulan. 'Yang mukha mo na parang ilang beses na sinampal at binabad sa harina? Hindi siya attracted sa mukhang clown," bulong ko sa sarili ko.
"Good evening sa lahat. I'm glad and happy to have you and my parents on this special night. No one knows why I called a party tonight, a surprise party. My parents knows how I'm deeply inlove with my girlfriend. They both know how I annoyed my girlfriend before, para lang mapansin niya ako noon. Alam nilang hindi ako tumigil hangga't hindi ko nakukuha ang loob niya." Kinabahan ako sa mga sinabi ng boyfriend ko.
Anong nangyayari? Bakit kailangan may speech siyang gano'n?
"Best, okay ka lang?" tanong ni Ziana na umupo sa tabi ko. Kasama na niya ang barkada sila Georgina, Eunice, Jacky, Nate at Nick.
"I'm so happy that the girl I dreamed to be my girl forever is now mine. I want our relationship go to the next level. Like all of you, she doesn't have any idea what I'm going to do tonight." Tumingin siya sa akin sabay ngiti.
"Francheska Claire Remudes, can you come on the stage?" Mas lalaong bumilis ang t***k ng puso ko nang tawagin niya ang buo kong pangalan. Lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa akin.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Mukha kasing alam ko na ang gusto niyang mangyari.
"Bakla, tawag ka ni Klyde. Umakyat ka na sa stage. Ang haba ng hair mo bakla," sabi ni Georgina sabay tulak sa braso ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko, humawak ako sa braso ni Ziana. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata na may pagtatanong. Sa ganitong sitwasyon kapag hindi ako nakakapag-isip ng maayos si Ziana ang takbuhan ko. Kilala na namin ang isa't isa kaya't tinginan pa lang ay alam na namin ang ibig sabihin.
Tumango si Ziana at pinisil ang kanang kamay ko.
"Go to your happiness, best. Alam kong matagal mo na itong hinihintay. Kaya, go, this it na," sabi ni Ziana.
Lahat ng desisyon ko sa buhay ikinukonsulta ko muna kay Ziana. Lumapad ang ngiti ko at naglakad na paakyat sa itaas ng stage.
Hinalikan ako ni Klyde ng mabilis sa labi. Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Now, babe, before I start with my great surprise uunahin ko muna ang unang surprise ko para sa'yo. Mr. and Mrs. Remudes can you come on the stage?" sabi ni Klyde.
Napahawak ako sa bibig ko ng marinig ko ang pagtawag niya sa mga magulang ko. Nasa America kasi ang mga ito kaya nakakagulat na nandito sila ngayon. Nakita ko si Mama at Papa na paakyat ng stage. Kitang-kita ko ang ngiti at saya sa kanilang labi. Mas nagulat ako ng makita ko sa likuran nila si ate Ashlyn at nakangiti rin.
Lumapit sila sa akin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap at humalik sa pisngi ko.
"Tinawagan ko ang mga magulang mo, para sabihin sa kanila ang plano ko ngayong gabi. Pumayag sila, kaya agad akong nag-booked ng flight nila pabalik ng Pilipinas. Gusto ko saksi sila sa pinaka-espesyal na araw natin." May kinuha siya sa kaniyang bulsa.
Nakita ko ang kulay pulang maliit na kahon. Lumuhod siya sa harap ko.
Grabe sa pagtibok ang puso ko. Nagtubig na rin sa kasiyahan ang mga mata ko. Pinangarap ko ito, ang lalaking mahal ko ay luluhod sa harapan ko para hingin ang kamay ko. At heto nandito na siya sa harap ko. Mismong ang lalaking mahal na mahal ko ang tumupad nito.
"Babe, Marry me!" Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi tanong ang pagkakasabi niya. Para bang may pananagutan ako sa kaniya kaya kailangan ko siyang pakasalan.
"Marry me! Ikaw ang may kasalanan kung bakit lulong na lulong ako sa iyo. Para kang isang bawal na gamot na mahirap hanapan ng lunas. Marry me, dahil kasalanan kung hindi mo ko pakakasalan. You and me are made for each other. Ikaw at ako lang wala ng iba."Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa mga pinagsasabi niya.
"Ibang klase ka rin mag-propose ano? Wala talaga akong pagpipilian? Kung may pagpipilian man o wala. Alam mo naman ang isasagot ko hindi ba?" tanong ko. At gumuhit na sa labi niya ang ngiti.
"Babe, gusto ko sabihin mo , gusto ko marinig kung anong sagot mo. Gusto kong marinig ng lahat ng mga tao rito ang sagot mo."
"Yes, babe. I will marry you!" Isinuot niya sa palasingsingan ko ang isang singsing at niyakap niya ako ng mahigpit.
Nagpalakpakan ang mga tao. Nakita ko ang kabi-kabilang flash ng camera. Natapos ang party ng puro pakikipag-kamay at pagbati.
Nagtungo ako sa saglit sa banyo. Matapos kong gumamit ng banyo ay nakita ko ang dalawang babae na narinig kong nag-uusap kanina tungkol sa boyfriend ko.
"Nakikita niyo ba ito?" Itinaas ko ang kanang kamay ko kung saan suot-suot ko ang engagement ring namin ni Klyde. "We're getting married. Kaya tigil-tigilan niyo na ang pangarap niyo about sa fiancee ko, mabibigo lang kayo. Pwede bang sa susunod kapag mag-uusap kayo tungkol sa boyfriend ko. Siguraduhin niyo munang kayo lang ang nakakarinig. Ang panget kasi pakinggan. Nagiging mukha kayong desperada," sabi ko. Sabay dire-diretsong lumabas ng banyo.
Tinitigan ko ang singsing na suot ko at bagay na bagay sa daliri ko ito. I can't believe it. Soon to be Mrs. Javier na ako. I can't believe that I'm wearing our engagement ring."