Cheska's Pov Kumakain ako ngayon ng siopao na ang palaman sa loob ay itlog. Marami rin ang kulay orange na itlog sa harap ko. "It's really yummy, best. Thank you! Mahal mo talaga ako, 'no? I love you too, best. Alam mo 'yan," sabi ko kay Ziana na busangot ang mukha. Nakahilata siya sa mahabang sofa habang masama ang titig sa akin. Napagod ata sa pagluto ng ni-request ko. "Hinay-hinay lang baka pagkatapos mo manganak dambuhala ka na." Humalakhak siya nang napakalutong. "As you wish my dear. Ano nga pala iyong ibig sabihin nang dalawang kurimaw kanina? Banana and eggs? Masama na ba kumain ng mga iyon?" tanong ko. Sabay kuha ulit ng itlog sabay subo. "Nabuntis ka na lahat-lahat pa-vigin effect ka pa. Gamitin mo utak mo, try lang baka ma-gets mo. Sa dami kasi nang puwede mong paglihian ba

