Cheska's Pov Nang makalabas kami ng ospital kahapon dumiretso na agad kami ni Marco sa kanilang bahay. Bahay niya lang pala. Iyon ang sabi niya sa akin. Ang nakakagulat do'n ay ang bahay niya. Siya lang naman ang may-ari ng resort na inarkilahan namin no'ng isang buwan. "Weh? Sa'yo talaga itong resort na ito? Walang halong biro?"Mangha kong tanong. "Oo sa akin nga ito. No'ng nakaraang buwan lang naging akin. Mahirap bang paniwalaan? Sa gwapo kong ito, hindi ka naniniwala? Ibang klase ka rin. Hindi ka ba naattract sa kagwapuhan ko?" tanong nito. "Excuse me, mas gwapo pa si Uncle Klint kaysa sa'yo. Kahit sunog ang kalahating mukha niya hindi mapagkakailang gwapo siya. Isa pa mabait siya, hindi katulad mo." Tinutukoy ko 'yung driver niya. Si Uncle Klint ang naghatid din sa amin

