Cheska's Pov "Anong ibig sabihin ng holding hands n'yo ni Marco, ha?" bungad na tanong ni Ziana sa akin. "At saka blooming ang aura mo ngayon. Parang gaya nang inlababo ka kay Klyde. Ganyang-ganyan ka noon, e. Don't tell me, kayo na?" Nanlalaki pa ang mata niya. Nang bumaba kasi kami ni Marco para mag-almusal ay magkahawak kamay kaming bumaba. Nasa cafeteria kami ng hotel, kasalukuyang kumakain ng almusal. "I'll explain everything later, after we finish our meal," sabi ko sabay kindat. "Naku, ha! Pumapag-ibig ka na ulit. Sana tuloy-tuloy na iyan. Subukan mo tumakas sa paliwanag, lagot ka sa akin." Natawa na lang ako sa reaksiyon ng kaibigan ko. "Dude, mukhang good mode ka, 'a! Anong nakain mo at kanina ka pa ngiti nang ngiti riyan?" tanong ni Red kay Marco. "Oo nga pre, mukhang nak

