PAGKATAPOS ng dinner, inikot siya ni Maki sa buong penthouse. Mas malaki at high tech pala iyon kaysa una niyang inakala. May malaki nang gym at entertainment room pero marami pa ring bakanteng silid na fully furnished. Ang opisina naman nito parang galing sa sci-fi movies, kumpleto sa makabagong computer units. Ang banyo, mas malaki pa sa apartment niya. Ngayon lang nakakita si Allen ng Jacuzzi na sa laki ay puwede magkasya kahit sampung tao. Pinakahuli nilang pinuntahan ang master’s bedroom. Maluwag din iyon pero halos walang gamit sa loob. Malaking kama lang na nakapuwesto sa isang panig, bedside table na kasalukuyang puno ng kung anu-anong folder at reading lamp, mataas na closet at isang couch. “I’m sure gusto mo mag shower bago matulog. Pahihiramin kita ng puwede mo ipalit sa dami

