ISANG LINGGO ang nakalipas, nakipagkita uli sila kina Shannon at sa abogado nito. Sa pagkakataong iyon sa manila na at may kasama na silang dalawang abogado na kaibigan ni Maki. Katulad ng napag-usapan nila sa kabila ng matindi niyang pagtanggi noong una, kay Allen nakapangalan ang titulo at ang iba pang papeles kahit na si Maki ang nagbayad. Pagkatapos umalis nina Shannon, ginawa naman nila ang sunod na stage ng kasunduan nila ng binata na siya ang nag suggest. Sa harap ng dalawang abogado, nagpirmahan uli sila ng kontrata ni Maki para naman sa pagbabayad niya rito. Pagkatapos ibinigay niya rito ang post dated checks na worth one year. Buwan buwan, maghuhulog siya ng pera sa check account na binuksan niya one week before. “Magbibigay uli ako sa’yo ng check kapag nabayaran ko na ang pa

