Nakatayo si Atasha sa terrace. She loved watching the sunset. Malayo ang ancestral house nila Kurt sa dagat. But the sunset was still a pretty sight. It made her think of the unknown tomorrow. Wala talagang alam kung ano ang maaring mangyari sa hinaharap. “Are you waiting for a call?” untag ni Kurt kay Atasha. “No. Katatawag lang ni Ate Kim.” “You look so worried. May problema ba?” She felt the pang of guilt. Gusto kasi niyang sabihin dito ang totoo. Na buhay si Rohann at walang balak si Kimberly na iwan ito. At malaki ang posibilidad na hindi na matuloy ang kasal. Wala siyang karapatang sabihin dito. Gaya nga nang sabi ni Kimberly, ito mismo ang magtatapat kay Kurt. “Wala. Gusto lang niyang mag-extend ng stay sa Sagada.” “Pero magbabalikan na ang mga kasamahan niya bukas, hindi ba?”

