Chapter 11

794 Words

“BAKIT ka nakipagkita sa akin?” tanong ni Atasha kay Rohann nang I-meet ito sa isang restaurant. Alas dos ng hapon noon kaya walang masyadong customer. Pero ayaw pa rin niyang mag-take ng chance. “May problema ba sa plano natin? May gusto kang baguhin? You should have called me instead.” “Gusto ko lang ipabigay ito kay Kim,” anito at inabot ang kahon ng regalo. “Sana ipadala mo na lang sa iba.” “Gusto kong matiyak na ibibigay mo iyan. Importante sa akin ang laman ng kahon,” seryosong sabi nito. “Ano ba ang regalo mo?” tanong niya at bahagyang inalog ang kahon. “Bomba? Iyon ba ang plano mo para hindi matuloy ang engagement party ni Ate Kim? Ayoko ng violence, di ba?” “Hindi ako terorista. Just make sure that she’ll see my gift.” “Corny mo! Ano ba ang laman nito?” Sinubukan niyang tin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD