Chapter 33 Oliver Hindi na nasagot ni Daisyree ang tanong ko nang tumawag si Ian sa aking cellphone. “Sagutin ko lang muna ang tawag ni Ian,’’ wika ko kay Daisyree. Habang sinasagot ko ang tawag ni Ian kay Daisyree pa rin ang mga mata ko. Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy pa rin sa kaniyang mga mata. “Hello, Bro?’’ sagot ko kay Oliver sa kabilang linya. “Kumusta si baby Jake? Umiiyak na si Lenlen, hinahanap niya na siguro kayo,’’ saad ni Ian sa kabilang linya. “Pauwi na kami, Bro. Okay naman si Jake, wala naman siyang pilay o ano man,’’ sagot ko kay Ian. “Mabuti naman kung ganoon. Sige Bro, ingat kayo sa byahe, nakahanda na rin ang hapunan,’’ wika ni Ian at naputol na ang kabilang linya. Agad kong ini-start ang makina at pinatakbo ang sasakyan. “Umiiyak na raw si Lenlen. Hin

