Chapter 35 Princess Sinamahan ako ni Oliver na tumungo sa doktor upang tingnan kung makakaalala pa ba ako. Subalit walang maisagot ang doktor kung kailan ako makaalala. Binigyan lang ako nito ng vitamins, kaya umuwi na lamang kami ni Oliver matapos akong suriin ng doktor. “Huwag ka mag-alala dahil darating din ang araw na maalala mo ang lahat. Huwag mo na munang pilitin na makaalala, baka makakasama sa’yo,’’ paglalambing na wika ni Oliver sa akin habang nasa bahay na kami. “Salamat sa pagpapalakas mo ng loob ko, Oliver. Pero kahit nagsinungaling sina Tatay Juanito sa akin at si Nanay Doray, gusto ko pa rin sila pasalamatan dahil hindi nila ako pinabayaan. Kung pumapayag ka gusto ko pa rin sana dalawin si Nanay Doray. Alam ko kasi wala na siyang pamilya na dadalaw sa kaniya. At sana gum

