Twenty

2818 Words
Nikita's Point of View I let out a heavy sigh and hold his arms. Sa ginawa kong 'yon ay mas humigpit ang pagkakaakap niya sa akin at mas sinubsob ang mukha sa leeg ko. "Rome bitawan mo na ako," mahinang sabi ko sa kanya. "I don't want to," he mumbled. Mariin akong napapikit sa sinabi niya. "You're just drunk." "I'm not," bawi niya. "Kaunti lang and I'm not drunk. Alam ko pa ang ginagawa ko, Nikita Amber." "Kung gano'n... bitawan mo na ako. Ayoko makipag-away kasi ayoko na. I'm so done with that phase, kaya please lang, ikaw na ang lumayo. Nagawa mo na dati, magagawa mo rin ngayon," makahulugan kong sambit. Mahina siyang nagmura hanggang sa makarinig kami ng katok sa pintuan at pagbukas no'n. "Amber! Nasaan ka?" boses iyon ni Judy. Agad kong naitulak si Rome at hindi na siya nagpumigil. Mabilis kong binukan ang pintuan ng cubicle at napatingin sa amin si Judy na nanlalaki ang mata. "Nag-usap lang kami," walang emosyon kong sambit. Tumingin ako kay Rome. "Mauna ka na," utos ko. He tried to held my hand pero lumabas na ako ng cubicle at lumapit kay Judy na nakanganga pa rin. "Nikita Amber," he called my name. "Just f*****g get out, please." Mariin siyang napapikit at bumuntong hininga. Muli niya akong tinitigan, malungkot ang mga mata niya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo. Pakiramdam ko ay nanghinga ang mga tuhod ko dahil napahawak ako bigla sa sink. Naramdaman ko ang paghawak ni Judy sa balikat ko. "Ayos ka lang?" she asked. Tumango naman ako at naisipan na maghilamos. Inabutan niya ako ng tissue at 'yon ang pinunas ko sa mukha. "Hinahanap ako ni Monti?" pag-oopen ko ng topic, pagkatapos magpunas. Nakita ko ang pagtango ni Judy sa salamin. "Yes! Kaya naisipan ko na puntahan ka rito dahil matagal ka rin nawala. Akala ko kung nasaan ka na napadpad! Kasama mo pala ang ex-husband mo..." Humina ang boses niya sa huling sinabi. Pagak akong natawa. "We just talked," mahina kong sabi. Muli siyang tumango. "Eh, bakit parang maiiyak ang itsura mo?" Ngumuso ako at doon siya natawa. "Just kidding! Tara na nga at hinahanap na nila tayo ro'n!" aniya at hinila ako palabas ng banyo. Nagpahatak na lang ako. Habang naglalalad kami sa hallway ay nakita namin si Monti na nakasandal doon sa may wall at mukhang malayo ang iniisip. Kanina pa siya riyan? Nagkita ba sila? Nang makalapit kami sa kanya ay nginitian ako ni Judy at nauna na, kaya kaming dalawa na lang ni Monti ang natira. "I saw him storming out from that comfort room. What happened?" mahinahon naman ang tono niya pero bakas ang mukha ang pagtataka. Nailing ako. "Nothing..." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan ko si Monti sa braso niya at hinila na. Hindi naman na ito nagsalita at nagpahila sa akin. Habang naglalakad pabalik sa pwesto namin ay diretso lang ang tingin ko dahil baka makita o masalubong ko ang mata ni Rome. He's hard to understand. Ang gulo-gulo niya. Last time, he's always telling me na hindi na ako but right now... he's acting the opposite. Nang makabalik kami sa pwesto ay tahimik na ako. Hindi na ako kinulit ni Monti at ni Judy. Nagsasalita lang ako kapag kinakausap din ako ng ibang staff ng Avila. Rome invaded my mind and I can't stop thinking about his gestures when we were in that cubicle. Naririnig ko pa sa pwesto namin ang tawanan ng mga kasama nila. Hindi na ako nakatiis at kumuha ako ng drinks sa mesa. Pinigilan ako ni Judy but Monti told her to let me drink this time. "Dare lang naman!" Narinig kong sigaw sa likod namin. "Si Mac nga hinalikan 'yong babae sa gilid, ang sabi namin hingiin lang 'yong number." Napuno na naman ang tawanan. "Etong si Rome ang KJ, hihingiin mo lang ang number." "Kahit sinong babae na lang hatakin mo tapos hingiin mo number. Ibibigay naman natin kay Milo kasi wala pa siyang jowa hanggang ngayon!" Hindi ba nila alam na may Irish na yang si Rome? At talagang uutusan pa nila! Paano kung matipuhan siya ng babaeng hahatakin niya?! Mariin akong napapikit sa naisip. s**t, bakit ko ba iniisip 'yon?! "Are you okay?" I heard Monti whispered. Napalingon ako sa kanya at medyo nanlaki ang mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Tumagal iyon at napansin ko ang pagbaba ng mga mata niya sa labi ko na nakaawang. Mabibigat ang paghinga ko dahil nakainom na ako. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko sa tingin niya. Kagat-labi akong tumango at nag-iwas ng tingin. "Hoy! Sayaw na tayo!" sigaw ng isa naming kasama at hinila ang mga katabi niya. Bigla kasing lumakas ang tugtugan at napansin ko ang pagtili ng mga nasa paligid. "Sir! Maiwan ko muna kayo!" masayang tili ni Judy at iniwan kami ni Monti. Natatawang nailing si Monti at muling lumingon sa akin. Naramdaman ko ang pagpatong ng braso niya sa likod ng kinauupuan ko. Inabot ko muli ang baso na may alak at ininom 'yon. "Do you want to dance?" he suddenly asked. Hawak ko ang baso na tumingin sa kanya. "Hindi nga ako marunong 'di ba?" Natawa na naman siya. "I'll guide you remember?" Napanguso ako at umiling. "Ayoko na, nakakahiya." "Come on, sa akin ka pa nahiya? Eh, halos araw-araw naman na tayong magkasama." "Komportable naman ako sa 'yo, pero nahihiya talaga ako. Mamaya matapakan pa kita ro'n! At mali-mali pa ang mga galaw ko." Humagalpak siya ng tawa kaya mas sumimangot ako. "All you have to do Amber is to enjoy the music especially the moment. Sway your body the way you want it and I'll just go with you." "Eh, ayoko pa rin!" Napatili ako nang kurutin niya ang isa kong pisngi kaya napaharap ang mukha ko sa kanya. Sa pagbitaw niya ay nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. "Monti..." "C-Can I asked you something?" Hindi ako sumagot at hinintay siya na magsalita pero tinitigan niya muna ako at bumaba na naman ang mata niya sa mga labi ko. "I want to kiss you... Can I?" he asked huskily. Ramdam ko ang init ng hininga niya dahil sobrang lapit ng mukha namin. "What—" "Nikita Amber..." A baritone voice filled my ears kahit na malakas ang tugtugan na naririnig. Parang bigla akong binalot ng takot sa narinig. Mabilis akong napahiwalay kay Monti at napatayo. Sa paglingon ko ay nakita ko si Rome na madilim ang titig kay Monti. Si Monti naman ay ganoon din pero sa malayo siya nakatingin. Sa peripheral vision ko ay nakita kong nagtayuan ang mga kasama ni Rome at tumingin sa amin. Maya-maya ay nanlaki ang mata ng iba at nagtulakan. Mukhang namukhaan nila ako. Hindi ko man sila kilala ay alam kong kilala nila ako dahil ako ang ex-wife ni Rome. "M-Monti!" Nagulat ako nang tumayo si Monti at hinatak ako palayo kay Rome. "Huy! Susunod si boss!" "Pigilan niyo!" Nagpatuloy sa paglalakad si Monti hanggang sa makarating kami sa kumpulan ng mga tao sa dance floor. Madilim at maraming nagsasayaw. Sa isang iglap ay naramdaman ko ang paghawak ni Monti sa bewang ko at bago pa niya ako mas mahatak ay may tumulak na sa kanya. "R-Rome!" "What the hell is your problem?" Napitlag ako sa sigaw ni Monti. Ngayon ko lang siya narinig na ganito. Bakas sa boses niya ang galit. Akmang lalapitan ko si Monti pero nakita ko agad ang akmang paglusob ni Rome habang nakasara ang kamao kaya bumaling ako rito at iniharang ko ang katawan saka siya itinulak para hindi niya tuluyang masuntok si Monti. "s**t!" "Boss!" Narinig kong pagmumura ng ilang lalaki at pumagitna sa amin. Agad kong hinampas ang dibdib ni Rome habang ang isang kamay ay nakakapit sa damit niya. "Ano bang ginagawa mo?!" bulyaw ko rito. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Susuntukin niya si Monti! That's not right! Muli ko siyang hinampas saka naiiyak na bumaling ako kay Monti na pinagigitnaan ng dalawang lalaki. Masama ang tingin niya kay Rome. "He will kiss you!" Nanlaki ang mata ko. "T-That's not your problem anymore!" sigaw ko sa kanya. "Nakakahiya ka! Walang ginagawang masama 'yong tao tapos susuntukin mo? Ano naman kung hahalikan niya ako? Wala ka na ro'n! If I want to hug, kiss or f**k him, it's okay! I can do whatever I want to do with him!" Even if it's dark, I saw how his chest heaved up. Ang nakaawang niyang labi ay napatikom, ang mata niyang may galit ay biglang nanlambot. Para bang naapektuhan siya sa mga sinabi ko. "Let's go, ihahatid kita," malamig niyang sambit. I sighed and gave him a weak nod. Gusto kong tumutol pero dahil sa ginawa niya ay nahiya na ako bigla kay Monti. Sasama na ako kay Rome para na rin maialis siya rito dahil baka hindi na naman siya mapakali at ulitin niya 'yon. Humarap ako kay Monti at napatingin ito sa akin. Nasa gitna pa rin siya ng dalawang lalaki na kilala ni Rome. Hindi pa ako nakakapagsalita ay naunahan na niya ako. "It's okay, I'm okay here. I understand, sumama ka na lang muna sa kanya. Just text me when you got home. Ako na lang din ang magsasabi kela Judy." "Monti... I'm so sorry," mahina kong sabi at tama lang na marinig niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata nang tumango siya. "It's okay. Go and talk to him," nakangiti niyang sabi. Bumuntong-hininga ako at nginitian din siya. Humarap na ako kay Rome at walang sabi na nilagpasan siya para bumalik sa pwesto ko. Uminom muna ako ng tubig na andoon saka kinuha ko ang dala kong bag. Napansin kong nakasunod lang sa akin si Rome hanggang sa makababa kami. "Open parking," he said when we stormed out of the bar. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad para makapunta sa open parking kung andoon ang kotse niya. Pinauna ko siya dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang kotse niya. Nang makarating kami sa dulo kung nasaan ang kotse niya ay umilaw iyon gawa na pinindot niya ang key car niya. Mabilis akong pumasok sa loob at nilapag sa kandungan ko ang bag saka nilagay ang seat belt. "Say sorry to him," I said out of the blue. Nakita kong napatigil siya saglit sa sinabi ko. Natahimik kami hanggang sa umandar na ang kotse. "That was inappropriate, nakakabastos. He's my boss, he's so kind to me and to the triplets tapos gaganunin mo lang because of invalid reason. Ano naman kung hahalikan niya ako? Walang mali. We're both single." Nakita kong humigpit ang kapit niya sa manibela habang palabas kami ng open parking. Mahinahon lang ang boses ko pero mababakas pa rin ang inis ng kaunti. Ayokong makipagsigawan at makipagtalo sa kanya. Nakakapagod, wala namang patutunguhan. So, I just decided na kalmahan ang pakikipagusap sa kanya kahit na gustong-gusto ko siyang saktan dahil nakakahiya ang ginawa niya. I won't tolerate that. Kaya kahit mainis siya sa akin, hindi ko siya na mag-sorry kay Monti. "Just say sorry to him, and we're even." Tahimik na naman siya at mas nakakainis na ako! Hindi ko alam kung ilang minuto na ang katahimikan namin hanggang sa marating na namin ang village namin. Madali siyang nakapasok dahil kilala na siya. Nagtaka ako ng ipark niya ang sasakyan sa madilim na parte ng park ng village namin. "Why did you stop? Iuwi mo na ako!" sambit ko rito. "We'll talk," tipid niyang sabi. Umirap naman ako. "Wow, coming from you, huh? Kanina pa kaya kita kinakausap at tahimik ka lang, hindi ka naman pipi. Oh baka nananadya ka." "He will kiss you," pag-ulit niya sa sinabi niya kanina. "So?" pagtataray ko. "As if may nakakahawang sakit ako. You know what no'ng isang araw pa talaga ako nate-tempt na halikan si Monti kasi 'di matuloy-tuloy dahil hindi ko pa naman siya boyfriend. Moment na namin kanina tapos doon ka umepal. Iba ka rin 'no?" mahaba kong litanya. Medyo nagtaka pa ako dahil ang sungit ng boses ko, siguro dahil nakainom ako kaya ganito. Sa paglingon ko sa kanya, nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "Bad breath siya," malamig niyang sambit. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at humagalpak ng tawa. Oh s**t, alam kong may humorous side si Rome pero minsan niya lang 'yon naipakita sa akin. Minsan nga binabara niya pa ako 'di ba but I didn't expect na ngayon pa talaga niya gagawin! "Gosh!" Pinunasan ko ang paligid ng mata dahil halos maiyak ako katatawa. "Paano mo nasabi? Nahalikan mo na ba siya? Naamoy mo na ba?" sunod-sunod kong tanong. "Eh, hindi naman kayo lagi nag-uusap! Biglaan nga lang 'yong kanina 'di ba?" Muli akong natawa at nailing. "He has these luscious lips to crave for. And I won't deny it!" Nag-isip ako ng maling ginawa ko ngayong gabi para lang umasta siyang ganyan pero wala talaga akong makita. Unless… Pinagkrus ko ang mga braso ko at mapanuyang tumingin sa kanya. Ang dalawa niyang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela at hindi man lang tumitingin sa akin ang gago. "Are you jealous, Rome?" Umakto akong nasusuka sa sinabi sa kanya. "My bad, hindi ka nga pala magseselos kasi wala kang nararamdaman sa akin. O baka naman may gusto ka kay Monti?" Napapapalakpak pa ako sa mga naiisip. "God, wala naman masama pero yare ka kay Irish kapag nagkataon." "You think that I'm a gay?" Napalingon ako sa kanya. "Hindi 'no! Pero kung totoo man, okay lang— ano ba!" Napasigaw ako nang hatakin niya ang kanang braso ko at halos maduling ako sa lapit ng mukha namin. Napahawak ang isa kong kamay sa kamay niyang nakahawak sa akin at pilit na iniaalis 'yon pero mahigpit ang pagkakahawak niya. "I'm not gay," he whispered. "Nabuntis ka nga 'di ba?" Napairap ako sa narinig. I think I just stepped on his ego. Pasalamat siya maganda ang genes niya at sobrang gwapo ng mga bata. Hindi naman ako nagsisisi na nagkaroon ng triplets, masaya pa nga ako. "Oo, at saka ikaw siguro ang nasarapan sa ginawa natin kaya kamukha mo sila. Nakakainis ka," sambit ko. Umakto ulit akong nasusuka no'ng sabihin 'yon at mahina siyang napamura. "At saka kung bakla ka, ayos lang, matatanggap ka pa rin naman siguro ng triplets." "f**k, hindi nga ako bakla!" Naiiritang sabi niya. "Eh, bakit mo ako sinisigawan?" "Ang kulit mo, Nikita Amber. And you know what? I can even f**k you here—" Agad kong tinakpan ang bibig niya. Ang isang kamay ko ay nasa likod pa ng ulo niya habang ang isa ay nakatakip sa bibig. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bad mouth," I whispered while looking into his eyes. Kahit alam ko sa sarili ko na galit ako sa kanya ay napansin ko na ang aliwalas ng paligid naming dalawa. Ayoko siyang awayin, ayokong ibring-up ang kung anumang issue naming dalawa. I'm so done with that, gusto ko tahimik na. Ayoko na isipin 'yon. Umawang ang labi ko nang tanggalin ni Rome ang kamay ko sa bibig niya. Our face were an inched away and I could smell the alcohol in his breath. Napakurap ako at napabitaw sa ulo niya. "I-Ihatid mo na ako—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang hawakan niya ang batok ko at higitin papalapit sa kanya saka idinikit ang labi sa akin. My eyes widened. He didn't move but his eyes were closed and looks like enjoying the touching of our lips. My heart is thumping so bad. Mabilis kong inilayo ang mukha ko. "What the hell Rome— hmm!" Napahawak ako sa magkabilang balikat niya nang hatakin muli ang ulo ko. I felt his lips move, and his tongue is asking for an entrance. Dumiin ang hawak ko sa kanya ng itagilid niya ang ulo niya at mas gumalaw ang labi niya. After seconds, I felt my eyes heated and shut tightly, and I f*****g moaned in his mouth! No way! Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko kahit na nakaupo naman kami. Para akong nalunod sa halik niya, nawalan ng pake sa paligid at kaming dalawa ang tanging nakikita at naiisip. It's been years… and the way he kisses me brings so much memories, especially the feeling that I felt way back then.. "N-Nikita…" He moaned my name and bit my lower lip. Nang imulat ko ang mata ay nakita ko ang pagkislap ng mata niya, namumungay iyon. Mahina akong napamura at muli siyang siniil ng halik. His free hand touched my back until he found its way to my chest, he squeezed my right mound even if it's still clothed. I feel my body heated up with his touch and mouth-watering kisses. Akala ko hanggang doon lang 'yon, not until I found ourselves in the backseat… touching and savoring every inch of each other's body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD