ps: dalawang chaps na lang po at epilogue naaaa >_ Rome and I stayed at that restaurant for an hour but the rain still won't stop. Napatawag na nga sa kanya si Mommy at kinausap ako. Masama raw talaga ang panahon ngayon pero mawawala rin kinabukasan ng gabi. Inabisuhan niya pa kami na mag-stay o magpalipas na lang daw muna sa hotel. Nakausap ko pa 'yong triplets at dami na agad reklamo ni Rush na sana raw ay sinama siya. Sabi ko nga magpabili na lang siya para matahimik siya. Ayon, nagpapabili na ng maraming gummy worms. Napadpad kami ni Rome sa isang mall na nasa likod lang din ng restaurant na tinambayan kanina. Nagkasundo na rin kami na mag-book ng hotel for overnight. Buti na lang tabi-tabi lang din ang mga establishment dito kaya hindi mahihirapan. Nasa department store kami nga

