Agad ko siyang binuhat at inakyat sa kwarto nila. Nakapag-half bath naman na sila kaya matutulog na lang. Hinihintay lang talaga nila 'yong gatas na tinimpla ni Sam. "Anong oras po uuwi si Mama?" tanong nito habang inihihiga ko siya sa kama. I smiled at him. "Later, anak. Hindi pa naman aalis si Daddy. I'll stay here until your Mama comes home." Napatango ito at hinalikan ako sa pisngi. A situation like this becomes our routine. Hindi ako masyadong nagpapakita kay Nikita dahil ayaw niya. Pumupunta ako sa kanila pero hindi kami nagkakasalubong. Minsan dinadahilan kong para sa mga bata ako pumupunta pero ang totoo ay gustong-gusto ko kasi siya makita. Actually, silang lahat ang gustong kong makita. Kahit nagkahiwalay kami hindi namin pinabayaan ang mga bata pero hindi talaga maiiwasa

