Chapter 26

1555 Words

KINABUKASAN, maagang nagising si Angel dahil maaga rin aalis si Shaira. Alasingko ito aalis kaya quarter to five pa lang ay inayos na niya ang mga labahin niya. Itinupi niya iyon ng maayos at inilagay sa isang echo bag. Wala silang laundry kaya walang lalagyanan. Iniwan na niya ang undergarments niya dahil siya na ang maglalaba no’n. “Gel, aalis na ako, wala ka bang ipapabili?” tanong nito. Hindi siya sumagot at kumuha ng pera sa bag na ibinigay ni Lupe sa kanya. “Ikaw na bahalang bumili ng mga kailangan natin dito. Kahit ano na sa tingin mo kailangan natin,” wika niya at nag-abot ng makapal na pera kay Shaira. Nanlaki ang mga mata nito sa perang iniaabot niya. “Oh, kunin mo,” wika niya. “Ang dami nito, Gel, baka wala ka na pera,” sambit nito. “Tss, just take it, Shaira. Ibili mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD