Chapter 8

2158 Words
“GOOD MORNING, everybody! I am Pricipal Hera. Welcome to our Gang Empire School. Masaya ako at ang mga teachers dahil sa maraming estudyante ang nag-enroll ngayon. Specially to grade 11th kumpara last year. Nadagdagan din ang grade 12th kaya naman masaya kami…” Panimula ni Hera. “Kaya naman hinanda namin ang mga kwarto kung saan magiging kumportable kayo at magiging maayos ang pag-aaral ninyo. Tandaan ninyong binuo ang paaralan na ito para sa inyo. At bago mag-umpisa ang klase, nagdesisyon kaming bukas na ang simula ng klase ninyo at hahayaan namin kayong araw na mag-explore muna sa loob ng school. Mamaya rin ay puwede ninyong kunin sa office ang inyong mga room number. Bibigyan kayo ng card with room number, kasama na nito ang susi at ang booklet na naglalaman ng iilang rules.” Tumigil ito at ngumiti. Lalo naman nakaramdam ng excitement ang mga estudyante dahil sa mga naririnig. Ngunit tila normal lang para sa iba ang ganoong eksena dahil sanay na sila at alam na nila iyon. Pero hindi iyon ang nararamdaman ni Angel, dahil abala siya sa pagmamasid sa mga estudyanteng naroon at walang ibang iniisip kundi ang dahilan ng pagpasok niya roon. Habang hindi niya alam na pinagmamasdan siya ni Jaxon mula sa malayo. “Habang naggagala kayo sa loob, huwag ninyong kalimutan buklatin ang booklet ninyo. Tungkol sa gamit at uniform ninyo, ihahatid na lang ito sa mga kwarto ninyo mamaya. That's all. Again, welcome to Gang Empire!” Huling anunsiyo nito bago bumaba ng stage. Kaya naman nagkanya-kanya na ng alis ang mga estudyante sa stage. NAMULSANG tumalikod si Angel para umalis ng stage nang pigilan siya ni Shaira. “Saan ka pupunta?” tanong nito. “Kukunin ko ang susi at room number ko,” maikling sagot niya. “Ayaw mo ba muna mag-ikot? Sasamahan kita,” saad nito. Inikot niya ang tingin sa kapaligiran bago tumingin dito. “Maybe next time. Gusto ko muna magpahinga ngayon,” sagot niya at tinalikuran na si Shaira. Nagkibitbalikat na lang ito at sumunod sakanyaa. “Magsabay na lag tayo sa pagkuha ng room number,” wika nito nang sabayan siya sa paglalakad. hindi siya umimik at hinayaan na lang ito. SAMANTALA, sa isang private place ng Emperador Gang ay nagtipon-tipon sila roon. Ekslusibo lang ang bahay na ‘yon sa loob ng eskwelahan para sa kanila at makakapasok ka lang doon kapag may permiso nila. Sa ngayon, si Mikaela Pascual lang na girlfriend ni Jaxon ang nakakalabas pasok doon nang walang problema. Nakaupo si Jaxon sa isang sofa habang nakadekwatro ng upo at tila malalim na nag-iisip. Sa tabi nito ay si Mika. Kasama nila ang ibang miyembro ng Emperador Gang na sina Ivan, Louie, Nick, Ethan at si Jared. Ganito ang routine nila kapag nagkakasama-sama silang lahat. Gusto nila ng pribadong silid kaya binayaran nila iyon sa buong taon para maging exclusive na kanila. Malawak iyon kaya kasya silang lahat. Gray and white ang kulay ng pader. May bookshelves, refrigerator, tv, dirty kitchen, dining area at sala. Kumpleto rin iyon sa gamit sa mga pang-araw araw na kailangan nila. Pero, hindi sila madalas doon matulog dahil kailangan pa rin nila kumuha ng room number dahil iyon ang nasa rules. “The girl earlier, she’s maybe a grade 11th student. A newbie to be exact, that’s why she didn't know my Jax,” maarteng sambit ni Mikaela. “Pwede, dahil tayo ang paioneer ng school na ito kaya marami talagang newbie ngayon. Palampasin mo na lang, Jax,” sagot ni Ivan kaya nilingon ito ni Jaxon. “Sino ka para utusan ako sa dapat kong gawin, Ivan? Alam ko ang gagawin ko,” matigas nitong sambit. “Bakit hindi mo bigyan ng kakaibang pa-welcome ang babaeng ‘yon? Ako bahalang magdala sa kanya sa— singit Louie na agad pinutol ni Mika kaya napangisi siya. “Shut up, Louie. HIndi ka nakatutulong. Babe, Ivan is right, let her go.” Hindi na natapos ni Mika ang sinasabi niya nang tumayo si Jaxon. “I know what to do, hindi ninyo ako kailangan utusan,” wika nito at tumayo. “At sa babaeng ‘yon, ako ang bahala sa kanya. Maghintay kayo kung ano ang iuutos ko,” dagdag nito at sinulyapan si Ethan saka lumabas ng silid na iyon. Naiwan sa loob sina Mika at ibang miyembro ng Emperador Gang na natahimik lang. “This is all your fault, Louie!” sambit ni Mika. “Bakit ako? Parang hindi mo naman kilala si Jax, hindi niya palalampasin ang nangyari kanina. Mukhang triggered ka sa babaeng iyon, ah? Sabagay, she's a gorgeous. Akala ko nga kanina nakakita ako ng anghel nang makita siya,” sagot ni Louie dahilan para malukot ang mukha ng dalaga. “I hate you!” sagot ni Mikaela at hinampas nito ang braso ni Louie saka nagmartsa palabas. Natatawang napapailing na lang si Louie. “Ginalit mo na naman ’yong isa, alam mo namang obsessed na kay Jax ’yon,” singit ni Ivan. “I am just stating the facts. Aminin ninyo, maganda naman talaga ’yon,” sagot nito. “Kahit maganda siya, hindi siya palalampasin ni Jax,” wika ni Ethan at isinara ang librong hawak. “Sureball ’yon!” sagot ni Louie. “Pero mukhang palaban ang isang ’yon. Hindi ko nakitaan ng takot ang mukha niya nang kausapin niya si Jax kanina,” wika ni Ivan. “Nakakuha na yata si Jax ng katapat at mukhang may bibinyagan na naman siya,” sambit ni Ethan. “Mukhang may iiyak na naman,” saad ni Nick na nakahiga sa mahabang sofa. “Makakasaksi na naman ako ng bakbakan o pwede rin makakaramadam na naman,” singit naman ni Jared at humalakhak. Binato ito ni Ivan ng pillow. “May pasa ka pa nga sa mukha tapos gusto mo na naman bumakbak,” wika nito. “Tss. Iba naman ‘to, babae ang natipuhan ni Jax, tapos maganda pa,” sagot ni Jared. Muli siyang binato ni Ivan ng pillow. “Basta talaga babae,” saad nito. “Tama na ‘yan, kunin ninyo na ang mga susi ninyo dahil baka bumalik si Jax at tayo ang pag-initan. Sige kayo rin,” sambit ni Ethan kaya nagkilusan ang mga ito sa takot na mapag-initan ni Jax. Napailing na lang si Ethan bago sumunod sa mga kasama. “No one can change his minds, even an angel like her,” bulong nito bago tuluyang lumabas. Dahil kilala niya si Jaxon, kung sino bumangga rito ay hindi nito sasantuhin kahit pa isang babae. ABALA naman si Angelina sa kanyang kwarto sa pag-aayos ng gamit. At hindi niya masabi kung swerte ba siya o hindi dahil si Shaira ang kasama niya sa room 111. Mas sana niyang mag-isa para makapag-isip ng maayos pero dalawa hanggang tatlo ang dapat na nasa isang kwarto. Kaya wala siyang magagawa kundi pagtiisan ang kadaldalan ni Shaira. “Gel…” tawag nito. Hindi siy sumagot oh lumingon para ipakitang gusto niya ng tahimik. Pero tila hindi iyon na-gets ni Shaira dahil napatuloy lang ito sa pagsasalita. “‘Yong lalaki kanina, dapat hindi mo na lang siya ginanoon.” wika nito. Dahil doon ay naagaw nito ang atensyon niya. “Hindi ako basta mananahimik lang kung alam kong mayroon akong karapatan,” sambit niya. “Alam ko ‘yon pero hindi mo pa gaano kilala ang lalaking ‘yon,” sabi nito. Dahil iyon ang natutunan niya sa mga magulang niya ka nakaramdam siya ng inis dahil tila gusto nitong sabihin na maging duwag siya ngunit iyon ang bagay na hindi niya magagawa. “Wala akong pake sa kanya dahil hindi siya ang ipinasok ko rito, pero hindi rin ibig sabihin no’n na mananahimik na lang ako,” aniya. “Iyon na nga, may iba kang dahilan kaya sana pinalampas mo na—” Hindi na niya napigilan na putulin ang sinasabi nito. “Shaira, I am not like you or the others student here. Hindi ako papayag na ganoon dahil alam kong tama ako. Minsan, matuto rin tayong pumalag kapag alam naman natin na kaya natin,” wika niya at tumayo. “Pupunta lang ako sa cafeteria,” dagdag niya at hindi na hinintay na sumagot ang kasama. Lumabas siya ng room nila at nilakbay ang kahabaan ng pasilyo. Nasa third floor ang room nila kaya mahaba pa ang lalakarin niya bago makarating sa cafeteria. Habang naglalakad, nagmamasid din siya sa paligid. Bawat floor ay mayroong fifty rooms, tag-twenty ang bilang ng magkabilaan at sa gitna ang pasilyo. Magkahalo ang babae at lalaki sa palagpag na iyon pero sa mga kwarto ay dapat same gender lang. Nag-elevator na siya dahil nainip siya sa paglalakad. Pagdating niya sa baba, may gate pa bago siya tuluyang makalabas at sa taas nito ay mayroong nakalagay na Gate 1. Katabi nito sa kanan ang cafeteria at sa kaliwa naman ang Gate 2 kung saan naroon pa ang ibang mga estudyante. Mayroon din Gate 3 pero hindi niya sigurado kung may tao rin ba roon. Inilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa ng denim jacket niya bago naglakad papunta sa cafeteria. Pagdating niya roon, nadatnan niyang iilan pa lang ang pila pero marami nang tao sa loob at karamihan ay babae, pumila na agad siya dahil nagugutom na siya. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante pero wala siyang pakealam sa mga ito. Ngunit sa kalagitnaan ng tahimik niyang pagpila, biglang nagtilian ang mga babae kaya napalingon siya sa tinitilian ng mga ito at nakita ang pagpasok ng isang grupo. At ito rin iyong sinasabi ni Shaira sa kanyang Emperador Gang na nakatapat niya kaninang umaga. Napailing siya sa sobrang over reaction ng mga babae pero hindi siya nag-react. Inalis na lang niya ang tingin niya sa mga ito at mas nag-focus sa paghihintay sa pila. NAPANGISI Si Jaxon nang makita si Angel sa pila. Nilingon niya ang mga kasamahan niya at sinenyasang pumila—hindi. Sumingit sa pila. Sumunod ang mga ito at pumauna ng pila kay Angel. Napaatras ito at napatingin sa mga miyembro ng Emperador. Nakamasid lang si Mika habang nakahawak sa braso ng nobyo habang nakasimangot. Naiinis ito dahil napapansin niya ang kakaibang pagpuna ni Jaxon kay Angel. Hindi mawala ang ngisi ni Jaxon nang naglakad palapit kay Angel. Tumigil ito sa tapat ng dalaga at saka humarap dito. “Kilala mo na ba kung sino ako?” tanong nito habang lalo nang sumimangot si Mikaela sa tabi niya. Umatras ng kaunti si Angel at natatawang sinalubong ang tingin ni Jaxon kaya mas lalong lumitaw ang kagandahan nito. “Why would I?” tanong nito. Nakaramdam si Jaxon ng inis sa paraan ng pagsagot nito. “I don't care who you are. Basta nauna akong pumila…” Tumigil ito at inalis ang tingin kay Jaxon saka humakbang pabalik sa dati niyang pila. Nakatayong nakangiti roon si Jared kaya ngumisi si Angel saka malakas na tinapakan ang paa nito. Napasigaw sa gulat si Jared at napaatras ito kaya lumingon siya kay Jaxon. “Kaya ako ang mauuna sa inyo,” wika ni Angel at tinalikuran ang mga ito. Saktong siya na bibili kaya mabilis siyang pumili ng bibilhin para makaalis na roon. Lalong nainis si Jaxon sa ginawa ni Angel at ramdam ang galit nito sa buong cafeteria dahil sa biglaang pagdilim ng mukha nito. Paalis na sana si Angel nang talapirin niya ito. Sumubsob si Angel at natapon ang tray na naglalaman ng spaghetti at juice. Napatili pa ang ilang estudyanteng naroon na natalsikan ng pagkain nito ngunit mayroon din ibang natuwa sa nangyari at isa na roon si Mika. ‘What the hell! Gusto ko lang ng tahimik na pag-aaral at paghahanap ng hustisya pero bakit ba nila ako pinipilit na patulan sila?’ Sa isip ni Angel bago siya tumayo at pagpagan ang sarili. Naglakad ito palapit kay Jaxon at inilapit ang bibig sa tenga nito. “Patagilid ka pala tumira,” bulong ni Angel pero bigla siyang tumalsik nang itulak siya ni Mikaela. NAPAMURA si Angel sa pagtalsik niya. Sumubsob siya sa mga lamesang naroon sa lakas ng pagkakatulak sa kanya. “You b*tch! What are you doing to my boyfriend?” sigaw nito. Nawala ang tawanan sa loob dahil sa intense na nangyayari. “Mikaela, stop!” sigaw ng ni Ethan at napatingin siya roon dahil naaalala niya ito. Ito rin kasi ang lalaking umayos sa sasakyan ni Jaxon kanina. “No, Ethan! Ipapaalam ko lang sa babaeng ’to kung sino ako sa buhay ni Jaxon,” sambit nito habang hawak sa kamay. Pero napatigil sila at muling namayani ang katahimikan nang isang grupo ulit ang pumasok sa loob ng cafeteria. Umayos siya ng tayo at tiningnan ang bagong grupong pumasok. Nakaramdam siya ng kakaibang intense nang magkaharap ang dalawang grupo. “Tsk. Mukhang hindi magiging madali ang buhay ko sa loob ng paaralan na ito. Hindi pala ito kasing simple kapag nasa labas,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang dalawang grupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD