I STARED at the ceiling blankly. Pagalaw-galaw ang inuupuan kong swivel chair habang tamad na tamad akong nakaupo rito. Todo naman ang pagpipigil kong mag-isip ng kung ano-ano na siguradong makakasama sa akin. Dahil panay ang pagtatrabaho ko sa araw-araw, natapos na ang lahat ng gawain ko at wala na akong maisip na ibang gawin. Kulang na lang ay pati sa front desk pakialamanan ko na para lang may magawa ako. Nang hindi na makayanan ang pagkabagot, tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas ng opisina ko. Tahimik kong nilibot ang kabuuan ng hotel and resort, pinapanood ang mga pangyayari dito. Nakakaramdam ako ng inggit sa mga taong nakikita kong may malapad na ngiti sa labi. Hindi ko na matandaan kung kailan ko pa huling nagawa ang ganoong klaseng ngiti. Saglit akong natigilan at muling n

