Chapter 9 - Reason

1729 Words
I COULD feel Silent's stare at me. Kahit nasa pagmamaneho dapat ang atensiyon niya ay panay pa rin ang pagsulyap niya sa akin ng tingin. It's like he's checking me up if I'm okay or not. I'm getting confused because of him. Ang sinabi niya kanina ay patuloy na gumugulo sa isipan ko. Ano ngayon kung nalaman niya ang balitang 'yon? Bakit gusto niya akong makita? Anong dahilan niya? Sa ginagawa niya ay mas lalo lang nagiging misteryoso ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako sa paligid nang mapansing iba ang daang tinatahak ni Silent. Puno ng pagkagulo ang mukha ko nang magbaling ng atensiyon sa kanya. "Where are we going?" tanong ko. "We're going to buy a food," tugon niya. Wala na akong nagawa nang lumiko ang kotse niya patungo sa isang fastfood chain at naghanap ng mapaparadahan ng sasakyan. After he parked his car, his attention went on to me. "Let's go inside," aniya at tinanggal ang seatbelt sa katawan niya. Kahit bahagya pa rin akong naguguluhan sa nangyayari ay bumaba ako ng kotse at sinundan si Silent nang maglakad ito papasok ng fastfood chain. Hindi ko alam kung bakit humantong ako sa ganito. Kanina lang ay sobrang sama ng araw ko dahil sa kumalat na picture sa school, pero ngayon ay kasa-kasama ko si Silent na hindi ko alam kung bakit ako sinasamahan ngayon. Nang makapasok sa fastfood chain ay pinaupo na ako ni Silent sa pandalawang taong table habang siya ay nagtungo sa cashier para um-order ng makakain namin. Habang nakatayo siya roon ay pinagmamasdan ko siya mula sa kinauupuan ko. I looked at him from head to toe. I could see the respectable, intimidating, and powerful heir of Montealegre Clan, Silent Montealegre. Everything in his body is from a well-known brand. Pinapatunayan nito ang pagiging tagapagmana niya sa pamilyang Montealegre. Sa pisikal namang anyo, mas nakuha ni Silent ang itsura ng ama kaysa sa ina kaya hindi nito nakuha ang kulay asul na mga mata ni Senyora Eunice. Habang si Chloe naman ay nagmana sa kanyang ina. Nakuha niya ang nakakasilaw na puti ng balat nito. Kahit ang buhok ni Chloe ay kakaiba ang kulay dahil sa pagiging kayumanggi nito. Nang magtungo si Silent sa table na inuukupa ko ay dala-dala na niya ang mga pagkaing order namin. Tahimik niyang inilapag 'yon sa table at saka naupo sa kaharap kong upuan. "Eat up," matipid ngunit bakas ang pagiging maowtoridad na sabi ni Silent. Nangunot ang noo ko nang mapansing pang-isang tao lang ang pagkaing in-order niya. "Hindi ka kakain?" tanong ko at nag-angat ng tingin sa kanya. He nodded his head. "I'm full. But you, Chaos said you didn't eat anything since morning." Bahagyang bumuka ang bibig ko sa narinig. "Wait--pinag-uusapan nyo ako ni Chaos?" "Yes." Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Nang makita ni Silent ang ekspresiyon sa mukha ko ay nagsalita siya. "Nalaman ko kay Curse ang tungkol sa nangyari nang ihatid ko sa kanya ang naiwan niyang libro sa bahay nila. Kaya naman tinawagan ko si Chaos para tanungin kung ano ang lagay mo, he said you didn't eat anything." Imbes na malinawan sa naging paliwanag niya ay mas lalo lang ako naguluhan. "Why do you care for me?" tanong ko at pinukol siya ng nanunuring tingin. Nakakapagtaka ang tila pagiging concern niya sa akin na umabot pa sa puntong tinawagan niya ang pinsan niyang kaklase ko para alamin ang kalagayan ko. "Stop asking and just eat your food. It's getting cold," pag-iiba niya ng usapan at mas inilapit sa harapan ko ang pagkain ko. "Eat first. Then, we'll talk." Matigas akong umiling bilang pagtutol sa sinabi niya. "Let's talk first. I want to hear your answer." "But it's not the right time to answer your question, Hestia." Nagkasukatan kami ng tingin hanggang sa huli ay ako na lang ang sumuko. Bumuntong hininga ako at kinuha na ang kubyertos sa harapan ko. Nang makita naman ni Silent na nagsisimula na ako sa pagkain ay sumandal siya sa bangko niya at pinanood ako dahilan para makaramdam ako ng ilang. Hanggang sa matapos ako sa pagkain ay nasa ganoong posisyon si Silent. Ni hindi nga ako makapaniwala na natapos ako sa pagkain kahit na hindi ako tinigilan ng nakakailang na titig ng Montealegre. Naglalakad na kami ni Silent patungo sa parking lot nang maramdam ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng palda ko. Nang kunin ko 'yon mula sa bulsa ko ay tumambad sa akin ang pangalan ni Yesxia sa screen nito. "Hello," bungad ko nang sagutin ko na ang tawag. "Where are you?" Bakas ang pag-aalala at pagkataranta sa boses ng kakambal ko. "Why do you ask?" tanong ko sa halip na sagutin ang tanong niya. "Papa called me. Nalaman na niya ang nangyari sa school. Kaya umuwi agad siya rito sa bahay para makausap ka niya, and he wants you here right now." Bumuntong hininga ako sa narinig sa kakambal. May ideya na ako kung ano ang susunod na mangyayari sa akin. Iniisip ko pa lang, sumasakit na kaagad ang ulo ko. "Tell him that I'm going home now," tanging sabi ko at pinatay na ang tawag. Ibinalik ko na ang phone sa bulsa ng palda ko at nagbaling ng tingin kay Silent na nasa sa akin pala nakatuon ang atensiyon. "Thank you for today, pero hindi na ako sasabay sa 'yo. I'm just going to take a taxi," sambit ko. Humalukipkip si Silent at sumandal sa gilid ng kotse niya. Tumamad ang mukha niya. "I don't get you why you're doing this." "What do you mean?" "I'm sure you're going to take the blame for that scandal," ani Silent at nabahiran ng inis ang boses niya. Humalukipkip ako at pinagmasdan ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang alam niya tungkol sa akin para masabi niya ang ganoong bagay. "Stop talking like you know me, Montealegre," mariin kong sabi upang mas maintindihan niya. Sa halip na mainis si Silent sa naging tugon ko sa kanya ay umangat ang isang sulok ng labi niya. "I know you very well, Mercedes. And I also know that the 'Hestia' in that picture was not you," seryosong aniya. Sarkastiko akong tumawa. "Are you making me laugh? Paano mo nasabing hindi ako ang Hestia'ng 'yon?" "That night, I was there. I saw Mattrix and the fake you." Bahagya akong natigilan sa narinig. "I saw everything that had happened that night," dugtong ni Silent. Hindi kaagad ako nakaimik sa pagkabigla. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo, pero posible rin na totoo nga ang sinasabi niya. Bakit naman siya magsisinungaling sa akin kung sakali? "Kung ganoon, dapat ikaw ang mas nakakaalam na ako ang babae noong gabing 'yon at kasama ni Mattrix," sambit ko. Hindi ko alam kung paano niya nasasabing hindi ako ang Hestia'ng nasa picture na 'yon, pero sa totoo lang ay nakakamangha siya. Mas pinapatindi lang nito ang kagustuhan kong malaman kung paano niya nagagawa ang bagay na 'yon. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Hindi ko puwedeng ipakita sa kanya ang pagkamangha ko sa kanya. Sa halip ay kailangan kong itanggi ang lahat ng paratang niya kahit ang karamihan doon ay tama. Mas mabuti nang gawin ko ito kaysa mapahamak si Yesxia. "Let's stop this s**t, Hestia. We both know that you are lying." I laughed without humor. "How can you say that? Stop acting like you know me, Montealegre. Hindi porket natuklasan mo ang sekreto namin ng kakambal ko ay aakto ka nang parang kilalang-kilala ako." Umalis si Silent mula sa pagkakasandal sa kotse niya at kumurha sa labi niya ang isang ngisi habang pinagmamasdan ako. "The Hestia that night was a good kisser, and unfortunately, you're not a good kisser. I could prove that. Damn, you don't even know how to kiss back." Sa halip na mainsulto sa sinabi ni Silent ay naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko at matinding pagkapahiya. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko! Ang hangal na 'to! "I don't know the reason why you're doing this, taking all the blame for your sister, but don't you think? It's time to stop doing this s**t," seryosong ani Silent na nagpaisip sa akin. Bumaba ang tingin ko sa lupa. "Hindi sa pinapakialaman ko ang buhay mo, pero nagmumukha kang kaawa-awa sa ginagawa mo." I don't know why, but I don't feel insulted at Silent's words. Mas tila naging pampagising sa akin ang mga sinabi niya. "Try to ask yourself, Hestia. Bakit mo ginagawa 'to? Bakit mo hinahayaang lumubog ka dahil sa pagmamahal mo sa kakambal mo?" Tuluyan na akong nawalan ng imik dahil sa mga tanong niya. Dahil sa totoo lang, hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko sa kanya. Bakit ko nga ba ginagawa ang bagay na ito? Kasi mahal ko ang kakambal ko at nangako ako sa ina namin na ako ang mag-aalaga sa kanya? Kasi ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko hahayaang maranasan ni Yesxia ang naransan ng ina namin sa piling ni Papa? O may iba pang dahilan tulad ng kaya ko ginagawa ito ay para hindi masakal si Yesxia at... Walang buhay akong natawa dahilan para magkasalubong ang kilay ni Silent. Tumingin ako sa kanya nang wala pa rin buhay ang mukha. Dahil sa naging tanong ni Silent ay may natanto akong isang bagay. "I'm doing this for my own sake, Montealegre," usal ko at muling natawa nang walang lamang kasiyahan. Pumapayag akong magpanggap si Yesxia bilang ako at gumawa ng mga kalokohan kahit na sa akin maisisi ito, hindi dahil sa gusto kong maranasan niya ang kalayaan na wala kami. Ginagawa ko ang bagay na 'yon para ikulong siya sa tabi ko. Para hindi niya maramdaman ang pagkakasakal sa kanya ni Papa at hindi niya maisip na umalis ng bahay. Sa ganoong paraan ay hindi ako maiiwang mag-isa. Minsan ko nang naranasan ang sakit na maiwan nang gawin ito ng ina namin ni Yesixa. Ang sakit na 'yon ang ayaw ko nang maranasan pa muli kahit kailan. Kaya kung sakaling iwan ako ni Yesxia dahil hindi na niya kinaya ang pagkakasakal sa kanya ni Papa, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paniguradong gugustuhin kong sumama sa kanya, pero sigurado rin akong hindi iyon pahihintulutan ni Papa. He won't let anyone escape from his grip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD