Chapter 38 - Reality

1829 Words

TOTOO nga ang sabi ng karamihan na walang pernamente sa mundo. Dahil matapos ng dalawa pang araw na pananatili namin ni Silent sa resort kung saan ay puno saya lang ang naranasan namin, ay dumating na ang panahon para muli naming harapin ang mga problema namin. It's time to go back to reality and face it. Naputol ang pag-iisip ko nang lumubog ang kama sa tabi ko. Doon ko lang napansin ang pag-upo ni Silent sa espasyo sa tabi ko. "Are you okay?" tanong niya at ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya kahit tanging pagiging seryoso lang ang mababakas sa mukha niya. "Can we stay here a little longer?" tanong ko, hindi na napigilan ang sarili. I don't want to go back yet. Hindi pa ako handang harapin ang mga problema namin. Kung maaari nga lang ay mas gugustuhin kong manatili na lang dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD