"LET'S hang out in the cafateria," nakangiting anyaya sa akin ni Raileigh. Tulad ng palaging eksena ng kaibigan ay nasa tabi na naman niya si Chaos. Hindi na yata mapaghiwalay ang dalawang ito. Nang mailigpit ko na ang gamit ay tumango ako sa kaibigan. Dahil wala nang masyadong ginagawa sa school at puro practice na lang para sa magaganap na graduation ay maiksi lang ang oras ng klase. Si Raileigh naman, dahil boyfriend niya si Chaos ay madalas siyang magtungo ng classroom namin tuwing recess at ganoon din si Chaos sa kanya. Saktong nauna lang si Raileigh sa pagpunta kaya hindi na siya napuntahan ni Chaos. Magkakasabay kaming tatlo nila Raileigh at Chaos sa paglalakad patungong cafeteria habang nag-uusap-usap. "Kumusta ang practice nyo? Nakakapagod ba?" pang-uusisa ni Raileigh. "It was

