"HOW'S your grade this semester, Yesxia?" tanong ng ama ko dahilan para matigilan ang kakambal ko sa pagkain. "I don't know yet, baka mamaya pa sila mag-announce tungkol diyan, Pa," tugon niya. "And you, Hestia?" Baling ng ama sa akin dahilan para ako naman ang matigilan. Blangko ang mukha kong sinalubong ang titig niya sa akin. "If I have good grades this semester, would you give back my phone to me?" tanong ko na mabilis inilingan ng ama ko dahilan para humigpit ang hawak ko sa kubyertos na nasa kamay ko. "Don't make a bet with me. Sigurado rin naman akong mas mataas pa rin ang magiging marka ng kakambal mo kaysa sa 'yo," aniya. Napailing ako, hindi makapaniwala. Heto na naman siya sa pagkukumpara sa akin sa kakambal ko. Bakit hindi niya maintindihang magkaibang tao kami ni Yesxia?

