"ARE you not going to answer that call?" tanong sa akin ng kakambal at sinulyapan ng tingin ang nakalapag kong phone sa ibabaw ng center table dahilan para mapatingin din ako rito. An unregistered number is calling me now. Pero kahit walang pangalan ang number na 'yon ay kilala ko ang may-ari nito. When I decided to avoid Silent, binura ko rin ang numero niya sa phone ko tanda ng tuluyan ko na siyang aalisin sa buhay ko. But unfortunately, I remembered Silent's number. Kaya balewala rin ang ginawa kong 'yon. "Naka-silent nga ang phone mo, pero kanina pa 'yan umiilaw," dagdag ni Yesxia. Umiling ako. "Don't mind it. Hindi ko kilala ang may-ari ng numerong 'yan." Napatitig na lang sa akin ang kakambal at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako at napipilitang inabot

