I TRIED to calm myself by letting out a deep sigh. Kailangan kong makabalik sa tamang pag-iisip bago magpadala sa emosyon. Kung magpapadala ako sa nararamdam ay paniguradong may magagawa akong pagsisisihan ko sa huli. Kinagat ko ang ibabang labi at muling sinalubong ang titig sa akin ni Silent, mas matapang na kaysa sa nauna. I know he has a reason, that's why he asked me to stay here. And I want to hear it from him. Kaya kahit ramdam ko na ang sakit sa sistema ko ay kalmado pa rin akong nanatili sa kinauupuan ko. Nawala ang tingin namin ni Silent sa isa't isa nang tawagin siya ng ama ko sa stage. Kasunod niya ay si Yesxia na gaya niya ay ipinatawag din ng ama ko. Ilang beses akong lumunok bago muling nagtuon ng atensiyon sa stage, pinapanood ang nangyayari dito. "Puwede ba kayong magb

