“KAMI na ni Chaos!” Hindi ko mapigilan ang pagngiwi dahil sa kaingayan ni Raileigh. Hindi ko alam kung nakalaklak ba siya ng sandamakmak na asukal o chocolate dahilan para maging ganito siya ka-hyper ngayon. “Ang ingay mo, Raileigh,” saway ko sa kanya. Natawa siya. “Sorry!” Nakangiwi pa rin ako habang pinagmamasdan siya. Bahagya naman akong nabigla nang kumapit siya sa braso ko. “Kanina ko pa napapansin na mukhang bwiset ka. What happened?” Ngayon ay bakas na ang pagiging kuryusidad sa kanya. Tanging iling lang ang itinugon ko sa kanya. Wala akong planong magsabi sa kanya kung bakit nagkakaganito ako. “May nangyari ba? Nag-away ba kayo ni Yesxia? O ni Kuya Silent?” sunod-sunod niyang tanong, sinusubukang hulahan ang totoong dahilan kung bakit iba ang timpla ko ngayong araw. Natuon

