"Sandali lang po Sir a, este Gab pala." awat ko sa paglalakad nito, sumilip ako sa mga cellphone na nasa estante. Tiningnan ko lang naman ang presyo, napangiwi naman ako sa mahal ng cellphone. "Miss, magkano yung pinakamura nyong cellphone?" tanong ng matanda na katabi niya, sa tabi nito ay isang dalagita. "Nay, wag na po muna Nay, pambili pa po natin ng bigas yan Nay e." sabi ng dalagita. "Ano kaba Anak, kailangan mo yan sa pag aaral mo, may two hundred akong ititira para pangkain natin, ang mahalaga e maibili kita ng cellphone." sabi ng Nanay nito. "Alin po ba diyan Ma'am?" tanong ng sales lady, mukhang mabait ang saleslady, yung iba kasi, pag alam nila na mababang uri na gaya nila, yung mga tipong nakikita nilang kapuspalad ay pinapabayaan lang, o itinataboy, ito todo parin assest

