Xandra Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ng may tumabig at pabalang na tinanggal ang kamay ko sa dating pwesto nito. Para akong tinapon sa ere sa sobrang lakas non. Nang kusutin ko ang mata ko ay ang babaeng gulat at hindi makapaniwala ang itsura ang una kong nakita. "Faye?" Gulat kong tawag ng makilala ito. "Sweetie, let me explain!" Napalingon ako sa lalakeng agad na bumangon at lumapit kay Faye ngunit malutong na sampal ang sinalubong nito. Napatakip ako ng bunganga sa nasaksihan. Napatingin ako sa katawan ko at bigla akong nagulat ng mapagtantong wala akong damit. Tanging strapless na bra at underwear lang ang suot ko. Biglang sumakit ang ulo ko ng alalahanin ko ang nangyari kagabi. Tiningnan ko muli si Brent at Faye. Nanunuyo si Brent kay Faye ngunit puno ng sakit at

