Xandra Malalim akong bumuntong hininga. Hindi ko inaasahan ang lahat ng pangyayaring ito. Ang mga nalaman ko. Ang mga narinig ko. Sinong mag-aakalang ang first love ng asawa ko ay ang nakakatandang kapatid ko? Noong una ay hindi ako makapaniwala but learning their lovestory broke my heart. Hanggang ngayon ay ramdam ko parin. Ang sakit. Napasulyap sa akin si Leo ng marinig niya ang pagbuntong hininga ko. Kasalukuyan siyang nagmamaneho. Hinawakan niya ng isang kamay ko at pinisil ito. Tiningnan ko siya na sa harap parin ang mata. Binalik ko ang tingin ko sa labas habang nakawak parin sa isang kamay ko si Leo. I can't describe how I feel right now. Excited na natatakot. Kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Paano ako dumating sa puntong unti unti ko nang

