Twenty Nine

1473 Words

“KISS me now, witch.” Paglingon ni Diwa, natagpuan ng mga mata niya si Rogue. Nakatayo ang lalaki sa may pintuan, pinapanood yata siyang nagmamasid sa kuwarto. May painting siyang tinitingnan—green na green na view ng nature. Pinili ni Diwa na hindi mag-react. Sinalubong lang niya ang titig nito saka ngumiti. Humakbang si Rogue palapit. Huminto sa mismong harapan niya; ibinaba ang mukha para ilapit ang mga labi sa kanya. Tinaasan niya ng isang kilay ang loko pero nakangiti siya. Nalukot ang mukha nito, parang batang pinagkaitan ng gustong laruan. Bago pa napigil ang sarili, niyakap na niya ito at tumatawang hinalikan sa pisngi. Umangol ang lalaki, agad gumanti ng yakap. Naramdaman pa ni Diwa na umangat ang mga paa niya sabay ng paghigpit ng yakap nito. “Pagod ka,” si Diwa na hindi um

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD