Thirty Three

2190 Words

KUNG HINDI lang sa mga katok sa pinto, hindi maaalala ni Diwa na darating si Rique. Tulala na siya mula pa kanina. Tagos sa dingding ang titig niya. Parang nagre-replay sa harap niya ang mga eksena nila ni Rogue. Mula pa kaninang hinatid siya ng lalaki, hindi na yata gumana nang tama ang utak ni Diwa. Parang nananadya ang mga alaala—sabay sabay siyang binabalikan. Isa sa mga alaalang iyon ang nangyari kanina bago sila naghiwalay ni Rogue…             Paghinto na paghinto ng kotse, tahimik na bumaba agad si Diwa; walang lingong-likod na naglakad palayo. Inaasahan na niyang haharurot palayo ang kotse pero hindi. Nagulat na lang siya nang maramdamang nasa likuran na niya si Rogue. Naudlot ang pagsusi niya sa pinto. Naghintay siya sa anumang sasabihin ng lalaki pero tahimik lang ito. Maya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD