“MABAIT ba si Enrique?” “Oo naman!” Ang bilis ng sagot ni Diwa. Nasa mesa na sila ni Rogue. Nakaupo nang magkatapat at kasisimula pa lang kumain. Hindi na ito topless. Suot na uli ang T-shirt na hinubad. Kung nalahata na nito na umiiwas siyang magtama ang mga mata nila, hindi na gustong isipin ng dalaga. Nagkunwari na siyang sa pagkain ang atensiyon—mainit na kanin, luncheon meat at instant noodles ang mabilis niyang niluto. Wala naman kasing laman na isda o karne ang refrigerator sa bagong bahay ni Rique. Lahat ay instant foods ang puwede niyang kainin. Naalala tuloy ni Diwa ang mga gulay na dala sa kanya ni Rogue sa apartment ni Maya. “Sobra! Wala pang ere sa katawan. ‘Pag magkausap nga kami, hindi ko ramdam na sikat na artista siya! Simpleng tao lang na nakikitawa, nang-aasar, nagj

