Guineever University of the North
- - Library - -
"Psst, pssst, pssssssssst."
"Bakla"
"Besti!"
"Memo"
"Psst! Memo!!!"
"Gal?!"
"Memoranda!!" Matinis na sigaw ni Faustino ang bakla kong kabigan.
Dahil sa kanya lahat ng atensyon ng tao sa library samin napunta at lahat sila masasama ang tingin saming tatlo.
Kanina pa kasi ako kinukulit ng dalawang sira ulo na ito. Nanahimik ako dito sa library at nag aaral, para na din mapahinga ang tenga ko sa kaingayan ng dalawang to pero sinundan pa din nila ako.
Akala ko ba allergic itong si Faustino sa library? Asan ba ang jowa nitong si Jillian at ako ang binubulabog niya?
"Table No. 3!! Last warning na to, I swear ibaban ko kayo dito sa library." Nakakatakot na sigaw ni Ms. Mahinahon ang matandang dalagang librarian ng Guineever.
Sa gulat ko nailaglag ko ang librong binabasa ko at si Jillian sa sahig na nakaupo. Samantalang si Faustino naka kapit sa dibdib niya gulat na gulat.
Tutubuan ako ng puting buhok sa dalawang to ng wala sa oras!!
I've already established a good relationship with the school librarian. Lagi kasi akong nandito tuwing vacant to read books for my program or di kaya humanap ng novels.We are close pero she really can't stand loud students especially dito sa loob ng library na inaalagaan niya.
Kaya ng makabalik sa upuan si Jillian, nakangiti kong tinakpan ang bibig niya bago ko siya kinurot sa tagiliran.
Nakangiti ko ring sinabunutan ang buhok ni Faustino habang pinandidilatan siya ng mata. Kahit kelan talaga agaw eksena ang mga to at ubod ng ingay.
Pag ako lang talaga na-ban dito sa library ibibili nila ako ng sandamakmak na libro!!
Nakangiwi naman nila akong inirapan.
"Kung namamansin ka kasi gaga, edi sana hindi ako sumigaw!" Galit na bulong ni Faustino habang pumipilantik lantik pa ang kamay.
Aba, siya pa ngayon ang mataray! "Both of you know that I don't want to be disturb kapag nag-aaral diba?" Nakataas kilay na sabi ko sa kanila habang nag aayos ng gamit.
"Wala ka naman ibang alam gawin kundi mag-aral. Gosh! Manawa ka naman!" Inis na sagot ni Jillian habang nakatingin sa kuko niyang mahahaba. Asan ba ang nail cutter ko? Puputulan ko to ng kuko.
Nararamdaman kong anytime ay sisigaw nanaman sila kaya hinila ko na lang sila palabas. Nawalan na din ako ng gana magbasa.
x - x - x - x - x - x - x - x
"Hi Pres!"
"Pres. Memo!"
"Good afternoon Pres!"
"Hi Pres, bat ang ganda mo?"
"Uy si Pres!"
Nakangiti na lang akong naiiling habang naririnig ko ang magiliw na pagbati ng schoolmates ko habang nag lalakad ako sa hallways ng Guineever.
Yes guys! I'm the Supreme Student Council President of Guineever University of the North. A school of rich people where at first I thought I don't belong pero nagulat na lang ako that one day appointed SSC President na ako with the recommendations of people that I really don't know but I'm really thankful with them.
3rd year college na ako in Nursing at lumalaki na din ang expenses ko. My uncle who is supporting my studies ay may pinag aaral ding mga anak kaya malaking tulong ang pagiging President ko ng SSC since it come along with an allowance.
By the way I'm one of the school scholar guarantee.
Opo tama ang iniisip niyo. Isa akong hamak ng mahirap na napapad sa lugar ng mga batang may gintong kutsara sa bibig. Samantalang ako ganda at talino lang puhunan ko dito.
"San ka ba pupunta Memoranda?" Nakataas kilay na tanong sa akin ni Jillian habang naglalakad kami.
Inirapan ko muna siya bago sumagot."Pinapapangit niyo yung unique kong pangalan! Tara sa canteen, ilibre niyo ko inabala niyo ang pagbabasa ko."
"Malditang mahilig sa libre!" Hindi ko na lang sila pinansin. Kulang talaga sa buwan yang mga yan nang pinanganak.
"Pano ka naging Presidente ng Guineever kung mapang api ka?" Madramang sumbat ni Faustino habang mataray na naglalakad. Ginawang runway itong hallway.
"Faustino tatanggalan kita ng ngala ngala sa ingay mo!" Banta ko sa baklang to.
"Kita mo! Mapanakit ka!" Kunwari'y maluhaluha nitong sabi. "Tinawag mo akong Faustino! Tina! Tina ang pangalan ko!" Nag eeskandalo niyang sabi. Pinagtitinginan nanaman kami ng estudyante dito.
Bumuntong hininga na lang ako habang diretsong naglakad papuntang canteen. Ayokong magkasala at manakal ng mga kaibigan.
- - Canteen - -
Nakangiti ko nang nilalantakan yung ice cream na binili ni Jillian para sa akin. Habang silang dalawa ay tahimik na nakatingin sa akin. Na engkanto nanaman ata ang mga to.
"Ano ba kasi yun? Kanina pa kayo nag eeskandalo?"
"Ehem! Ehem! Jillian do the briefing!" Mataray na intro ni Faustino.
"Ganito kasi yun Bestie." Kanina mataray siya pero ngayon ang bait bait na. Mga topakin!
"Ilibre niyo ko ng lunch ng isang buwan." Mayaman sila wag kayo mag alala hindi mamumulubi ang mga yan. Sila Jillian ay may sariling Toy Company na sikat inside and outside the Philippines.
Sila Faustino naman ay may sariling clothing line sa France at dito sa Philippines. He is gay, out and proud. Maswerte siya kasi wala siyang naging problema ng mag out siya sa family niya na bakla siya. Alam naman kasi natin ang initial reaction ng magulang pag nalaman nila na ang unico hijo nila ang unica hija pala.
Pero in his case inaantay na lang pala siya mag out kasi matagal nang tanggap ng family niya na bakla siya bago niya pa matanggap sa sarili niya.
"Ha?!! Wala pa akong sinasabi." Nahihintakutang sabi nito.
"Instincts, nararamdaman ko nang hihilahin niyo nanaman ako sa kung saan kaya inuunahan ko na din kayo." Balewalang sabi ko at patuloy pa din
Ine-enjoy ang ice cream ko, yum!
"May sa animal ka din talaga besti ano?" Nang aasar na sabi ni Faustino
"Sira ka! Part time job ko ang isusuko dahil sa pinaplano niyo."
"Ghad! Memo bat ba namomoblema ka sa pera? Kung pumayag kang maging model ng Pensieri edi mapera ka ngayon at tsaka sembreak na natin kaya mag enjoy ka naman." Ang taray talaga ni Faustino.
Hindi ko talaga tanggapin ang alok ng family nila na gawin akong model. Maganda ako oo pero kay Papa ako nagmana sa paglalakad.
"Ano ba kasi yun?"
"Come with us sa Siargao for a three days. Please?" Mabait na tanong ni Jillian.
Hmm tatlong araw? Magpapa alam muna ako sa coffee shop siguro.
"Naipag paalaman ka namin kay Ate Trese. Basta daw dalhan mo siya ng pasalubong wala ng problema." Minsan talaga kinikilabutan pa din ako kay Jillian kada nababasa niya ang iniisip ko. Ang hirap ng may psych student na kaibigan.
Pede kaya ako magbasa dun? Hindi din kasi ako fun ng swimming.
"You can bring your books with you bestie. Ayaw lang talaga ako payagan ni Mommy na sumama kina Cara ng hindi ka kasama." Nakatingin sa kuko na sabi ni Jillian.
"Jill wag mo ngang gawin sakin yan kinikilabutan ako sayo kada nababasa mo ang iniisip ko eh."
"Sagot nanamin ang expenses, so sumama ka na. Wala ding tiwala ang tatay ko sakin pag hindi kita kasama. Ano kayang nakita nila sayo? Eh di hamak na mas malala ang sira mo kesa samin ni Jillian?" Nagtatakang tanong ni Faustino.
Bat ko ba sila kaibigan? Walang Sabi sabi kong hinila ang buhok ni bakla.
"Ako na ang bahala na magpaalam kay Travis." Napatigil ako sa pagsubo ng ice cream.
The ice cream suddenly taste bitter nawalan ako ng gana.
I give them a weak smile. Sa sobrang busy ngayon ko na lang ulit naramdaman na malungkot ako. Wala din akong time magshare sa kanila kasi ngayon lang natapos ang busy sched namin kasagsagang nagfinals week pa for this sem. "We broke up a month ago, no need to inform him about my whereabouts."
"You- What? You broke up with him?" Nag aalalang tanong ni Jillian.
Nakatanga naman sa akin si Faustino.
"It's a mutual decision. I guess?" Ano nga bang dahilan bat kami nag break? Ang alam ko okay naman kami kahit LDR nairaos namin ng 2 years. Nasa Auckland kasi siya at dun nag-aaral. Bakasyon lang kami nagkikita ng personal. I'm sure that we are both contented of what we have.
Kunteto nga ba kami o ako lang?
Nagulat na lang ako nang sinabi niya na mag break na kami. Without explaining why pero he is claiming na kasalanan niya daw. Is he cheating on me?
No, I'm sure he won't cheat on me because he despise persons like that. Ayaw na ayaw nito sa mga manloloko. So what's our problem?
Naramdaman ko na lang na yakap yakap na ako ni Jillian habang si Faustino ay masuyong nakangiti sa akin. As if telling me that it's alright.
Kahit kulang sila buwan at sobrang iingay. They are the only persons the I will always wish to have and be friends with. Hindi plastic at mayabang kahit anong yaman meron sila. They treat me as a normal person despite our huge difference in economic status. There family are also nice and treated me as a part of their family.
Kaya nung nagcollege ako at nakilala sila napunan ang bawat kulang sa buhay ko. Para na kaming magkakapatid and we are inseparable.
That's why yung inipon kong luha for a month hindi ko na napigilan. Tahimik akong umiyak sa braso ni Jillian. Habang hawak ni Faustino ang kamay ko.