Chapter 1

1282 Words
Nilibot ko ang paningin ko sa karwahe at napakaganda talaga. Tumingin ako sa labas na may mga taong naglalakad-lakad katulad ko. May mga puno pala dito sa labas ng mundo! Napakaganda! Nakakamangha! Ang lambot-lambot pa ng inuupuan ko. Ang sarap matulog. Humiga ako sa malambot na upuang ito at pinagkasya ang sarili. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog; basta malambot ang upuan. “Hoy, babae! Bumangon ka diyan at baka pagalitan pa kami no’n dahil sa tagal namin.” “Hmhmhmhm…” tanging nasabi ko na lang dahil naalala kong may nilagay pala yung lalaki kanina sa bibig ko. Lumapit ito sa akin nang kaunti at kinuha iyon. “Tara na, nakarating na tayo dito.” Tumango-tango ako at bumangon. “Wow, ang ganda…” manghang sabi ko nang makita ang palasyo. “Teka, baka panaginip ko lang ito.” Sinampal-sampal ko ang sarili ko at baka nananaginip lang ako. Nanghahapdi na yung pisngi ko pero hindi pa rin ito nawawala. Totoo nga! Kanina binabasa ko lang iyon, tapos ngayon nakikita ko na? Parang panaginip! “Ang laki-laki ng palasyong ito!” mangha ko pa ring sabi. “Pffft! HAHAHAHA!” Napatingin ako sa likod nang may dalawang taong tumawa. Grabe talaga, ang babaw ng kasiyahan nila, parang kasing babaw ng balat. “A-anong ‘ha’? Palasyo?” nahihirapang sabi nito habang hawak-hawak ang tiyan. “Ito?” patanong kong sabi sabay turo sa palasyong nasa harapan namin. Bulag ba sila o ano? Muli na naman silang tumawa habang hawak-hawak ang tiyan nila. Ano bang problema ng mga taong ito? Palasyo naman talaga ito ah. Alangan namang tatawagin ko itong kubo, e ang laki-laki. “T-tara na, kanina pa naghihintay si William sa loob.” Bigla siyang siniko ng isa niyang kasama kaya nagtaka akong muli. “Pagagalitan ka na naman no’n at tinawag mo siya sa first name niya.” “Sus, kala mo naman walang pinagsamahan. Okay lang ’yun, hindi naman niya narinig.” “Sus, ingay mo. Tara na.” “Abay ako pa maingay, e ikaw yung nagtanong!” “Tara na, babae.” Hala! Bakit pa siya nanghahablot ng braso, e may braso naman siya! “Papasok tayo sa palasyo?” takang tanong ko. Napatampal ng noo itong kasama niya. Bakit niya tinampal ang noo niya? May langaw ba? May lamok? “May lamok? Masakit ba?” tanong ko sa kanya. “Tama na, tama na. Baka mamatay pa ’ko kakatawa. Tawag dito ay mansion,” sabi niya kaya tumango-tango ako kahit hindi ko naintindihan. “Ano iyong mansion?” taka siyang tumingin sa akin, na siyang ikinataka ko rin. “Akala ko ba naintindihan mo at tumango-tango ka?” sabi niya. “Eh, malay ko ba.” “Ayan, ayan ’yung mansion,” turo niya sa palasyo. “’Yung malaking palasyo?” tumango-tango siya. “Paano naging mansion, e palasyo nga ’yan?” Napatampal muli siya sa noo. Hindi ba’t masakit ’yan? “Ah basta, hindi ’yan palasyo at ’yan ay mansion.” Ahh… ano nga uli ’yon? Tumango-tango na lang ako kahit hindi ko talaga naintindihan. Pumasok kami sa loob at ganoon na lang ang paglaki ng mata ko nang makita ang loob nitong palasyo. Parang mas malaki pa yata itong loob kaysa sa labas. Napakaganda! May hagdanan pa. Paano ’yan aakyatin? “Why did you take too long?” Napalingon ako sa malamig at walang kaemo-emosyong nagsasalita. Napatitig ako sa lalaking nakaupo at masasabi ko talagang malaki ang kanyang katawan. Tsaka ano iyang nasa lalamunan niya? Parang bato na gumagalaw. Bakit rin puro black ang suot niya? “’Pag may nakita kang puro black ang suot ay isa ’yang black lady,” pag-alaala ko sa sinabi ni Uncle. Hala! Black lady pala siya! Pero bakit nasisinagan siya ng araw? Bakit nandito ’yan, e umaga pa! Tsaka kung titingnan naman ay parang hindi naman ito multo! Pero bakit may suot siyang parang kadena sa pulso niya? Ang sosyal tingnan! Para siyang isang mayaman! Pero bakit parang kadena talaga kung titingnan nang maigi? Nasa mahabang upuan siya habang dala-dala ang dyaryo! Gusto niya rin pala ng ganyan! Ano ba ibig sabihin nung sinabi niya? Tsaka paano niya nalaman na narito kami, e hindi niya man lang kami tinitingnan? “Ah, na-traffic kasi, boss, kaya ayan, natagalan,” ha? Anong traffic? Ano ’yon? “Tsk. Is this the girl that he paid?” malamig niya pa ring sabi at ibinaba ang binabasa niyang dyaryo. Ang ganda ng mukha niya, matangos ang ilong at maganda ang pagkahulma ng mukha niya! Napakagwapo at napakakisig niyang tingnan! Para siyang anghel na nahulog mula sa langit! Napakaganda ng mukha niya! Pero walang emosyon niya akong tiningnan ulo hanggang paa, na para bang sinusuri. Anghel ba talaga ’to? “What’s your name?” Ha? Ano raw? Bakit ba hindi ko maintindihan ang sinasabi nitong mamang ’to? Naguguluhan ako! “Ako ba?” sabay turo ko sa sarili ko. Ano ba kasi ibig niyang sabihin doon? “Who else??” Ha? “Ah…” tanging sagot ko. Teka… English yata ang gamit niya. Tama! English nga! “Hey, what’s your name?” pag-uulit nito. Ano ba ’yun? Bigla akong siniko ng katabi kong lalaki kaya napatingin ako sa kanila. “Pangalan daw,” bulong nito. “Pangalan? Sino ba tinanong niya?” ani ko sabay turo sa mamang walang kaemo-emosyong nagsasalita. “Ikaw,” bulong niya uli. “Ah, ako pala… anong sasabihin ko?” takang tanong ko sa kanya. Napatampal muli siya ng noo at muling bumulong. “Pangalan mo daw!” “Ah, pangalan ko po?” tanong ko sa lalaking nakaitim. Tumingin lang siya sa akin. “Ako po si Yumi,” sabi ko sa kanya. “Full name.” malamig muli nitong sabi. “Ano raw?” bulong ko sa lalaking katabi ko. “Excuse me, boss, pero puwede po bang mag-Tagalog kayo para maintindihan niya?” sambit naman nitong isa. “Buong pangalan mo.” “Nagtatanong ba siya o hindi?” “Buo naman po pangalan ko,” sagot ko at tumingin sa kanya. “Pffft!” Napatingin muli ako sa katabi kong nagpipigil ng tawa. Anong problema? “Fvck! Ano ang buong pangalan mo!” diin at sigaw nitong sabi. Biglang nagseryoso yung dalawa at tumayo nang matuwid. “Lagot na…” Ba’t kailangan niyang sumigaw? Wala naman akong ginawa ah! Sigawan ko kaya siya pabalik? Wala naman yatang problema doon. “Ako po si Yumi Ash Salvania BLONDE!” diin at sigaw kong balik sa kanya. Ngumiti ako matapos kong sabihin ’yun. “Are you shouting at me?” “Po?” takang sambit ko. “Tsk.” “Ano po pangalan n’yo?” tanong ko sa lalaking nakaitim. “Why would—bakit ko ipapakilala ang sarili ko?” malamig niyang tugon at kinuha muli ang dyaryo. “Ang daya! Ako nagpakilala pero kayo hindi!” reklamo ko. “Tsk.” Tumayo siya at umakyat sa hagdanan. Wow… ganyan pala pag-akyat doon? Akala ko gagapang. “Teka, teka! Nakaitim na lalaki! Anong pangalan mo!!” pasigaw kong sabi sa kanya. Napahinto siya at bahagyang tumingin sa akin. “What did you just call me?” “Po?” “Fvck! I’m William!” inis na pakilala niya. “Anong buong pangalan???” pasigaw kong tanong muli. “Why—shít! William Regulus Omerta.” Matapos niyang sabihin ’yun ay hindi na siya lumingon sa akin at deretso na ang lakad. Problema ng taong ’yun? “Yumi—” “Anong pangalan ninyo?” tanong ko sa kanilang dalawa. “Oh, I’m Vander Vercasca. Puwede mo ’kong tawaging ‘Van.’” “And I’m Daecon Monteverdi. Puwede mo rin akong tawaging ‘Dae.’”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD