Napatingin ako sa pagkain na nasa pinggan na may kanin at wait! Tuna! Gusto ko 'to! Masarap 'to!
"Oo nga, 'yan kainin mo HAHAHA," tawa pa ng ibang kasama nito. Marami pala sila, magkakapareho yung suot, eh.
Anong nakakatawa?
Masarap naman 'to, ah.
Wala nang nakakatawa rito.
"Maraming salamat," nakangiting sabi ko. Diba pag may nagbigay, magpapasalamat?
"Tsk!"
Kumain na'ko at pagkaubos ng pagkain ko ay nakita ko sila sa likuran ko na naka-cross arm.
"Maids kami rito but it doesn't mean na kami gagawa ng gawaing bahay."
Maids?
Ano naman 'yun?
Hindi ba 'yun 'made in China'?
"Maghugas ka rito. Hugasan mo lahat-lahat, hindi ka naman bisita rito at magbubuhay prinsesa ka," utos nito sa'kin. Kaya tumango-tango.
"Sge." Lumapit ako sa lababo at nagtambak lahat ng hugasin sa lababo.
"She can't understand English, right?"
"Yah. 'Yun ang rinig ko kay Sir Dae kanina."
"So, what are we doing to her?"
"Simple. We will torture her."
"Ha? Bakit natin gagawin 'yun?"
"Tsk. Hindi n'yo ba narinig yung sinabi ni señorito kanina?"
"Ohhh... haha, nice idea!"
Rinig kong bulungan nila. Rinig ko nga, e hindi ko naman naintindihan.
"Bilisan mo d'yan at maglilinis ka pa ng sahig!" rinig kong utos nila sa likod.
"Oo, sandali."
*/SMACK!!
"ARAYY!!" daing ko nang biglang may kung anong tumama sa likuran ko.
Napalingon ako sa kanila na may hawak-hawak na hindi ko alam kung ano ang tawag. S-sinturon ba iyon?
Napaiyak na lang ako sa sakit at hapdi ng likod ko.
"Taka ka kung ano 'to? This is belt! Masakit 'to at paniguradong iiyak ka talaga!" sabi nila habang nakangiti nang loko.
"Kaya bilisan mo!"
*/SMACK!!
Mas lalo akong napaiyak at nanhina nang ulitin na naman n'ya ang pagpalo sa likuran ko.
Ang sakit... subrang sakit! Ngangalngal na lang ako nang ngangalngal habang naghuhugas ng pinggan.
Bakit ba nila ginagawa sa'kin 'to? Singhot ako nang singhot habang dinadaing ang sakit ng likod.
Binilisan ko ang paghugas hanggang sa makakaya ko dahil hindi na ata kakayanin kapag dumapo pang muli ang sinturong iyon sa likod ko.
Matapos kong maghugas ay agad nilang inilagay sa sahig ang mga gagamitin ko.
"Kailangan mong mag-mop sa sahig ng mano-mano. Tanging iyang tubig at tela lang ang iyong gagamitin," sabi nito at umupo sa upuan, kaya tumango-tango ako.
Agad ko iyong kinuha at hindi na umimik. Sinimulan kong basain iyong tela at nilinisan ang kusina.
"Pútangína! Ang bagal! Bilisan mo!"
"O-oo—"
*/SMACK!!
Agad akong nasubsob sa sahig nang tumama muli ang sinturong iyon sa likuran ko. Hindi ko na kaya! S-subrang sakit na! A-ayoko na!
Agad akong bumangon at nagsimula uling maglinis.
Rinig ko pa ang mga tawa nila sa likod. G-gusto ko nang bumalik kay uncle!
Ayoko na dito! A-ayoko na! H-hindi ko kaya!
"'Wag kang babagal-bagal!"
Mas binilisan ko pa yung paglinis ko sa sahig hanggang sa makakaya ko.
Napaupo ako sa sahig nang matapos ako. Pinunasan ko pa iyong pawis ko dahil sa pagod.
"Anong inuupo-upo mo d'yan? Linisin mo yung bintana!" utos na naman nito muli. Tumango-tango lang ako at kinuha ko yung binigay nila sa'kin.
Pumunta ako sa bintana at pagtingin ko rito ay malinis naman at walang kahit ano mang alikabok.
"Teka, malinis—"
"Wala akong pake! Bilisan mo!"
*/SMACK!!
ARAYY!! Napakasakit na ng likod ko! Napakasakit.
"Pwede bang huwag n'yo na akong paluin ng sinturon?" pakiusap ko sa kanila.
"Huh? WALANG GANUN!"
*/SMACK!!!
"ARAYYY!!" muling daing ko at ngangalngal na lang ang tanging magagawa ko habang naglilinis ng bintana.
Bakit ba nila ako ginaganito?
"Tama na muna 'yang kakapalo mo d'yan! May bukas pa!" rinig kong sabi ng isang matandang tinawag na manang kanina.
"Sige, sige." Umalis silang lahat at hindi ko alam kung saan sila pupunta.
"Saan kayo pupunta?" iyak ko pa ring tanong sa kanila.
"Matutulog na kami. Gabi na." Gabi na? Kaya ba madilim sa labas? Saan ako matutulog?
"'Wag mong subukang magsumbong kay señorito at baka mas malala pa d'yan ang gagawin ko," banta nito sa'kin, kaya tumango-tango ako.
Sinubukan kong tumayo nang matuwid pero sumasakit lang yung likod ko, kaya iyak na naman ang ginawa ko.
Wala naman akong ginawang masama sa kanila pero bakit nila ako ginaganito? B-bakit nila ako pinapahirapan?
Wala akong nagawa at pumunta na lang sa sofa. Umupo ako roon at nagdadalawang-isip kung hihiga ba'ko o hindi na lang dahil sa sakit ng likod ko.
Dahil hindi ko na rin naman mapigilan ang antok ko ay dahan-dahan akong humiga sa sofa. A-arayy! Ang sakit talaga ng likod ko! Napakasakit! Napaiyak na lang muli ako dahil hindi ko talaga kinakaya yung sakit.
May narinig akong tunog na katulad noong sinakyan namin no'ng makarating kami kaya pinunasan ko yung luha ko at inayos yung sarili.
Tumayo ako at bumukas rin yung pintuan at nilabas roon si William. Sakto namang pagbukas n'ya ng pintuan ay umilaw ang paligid.
"D-dala mo c-candy ko?" tanong ko sa kanya.
"There's nothing pink candy out there—I mean wala nang pink na candy na natira sa store kaya ice cream na lang ang binili ko," sabi n'ya kaya lumungkot yung mukha ko.
"Ano ba yung i-ice cream?" tanong ko sa kanya. Baka may lason 'yun! B-baka nakakasakit ng tiyan 'yun!
"Tikman mo," sabi n'ya at umupo sa sofa. Umupo rin ako at kinuha yung dala n'yang ice cream. Hala! Baka yelo 'to! Napakalamig no'n!
Binuksan ko yung tinatawag n'yang ice cream at ang bango pero napakalamig! Dinaliri ko iyon at tinikman.
Wow! Ang sarap! Pero ang lamig, pero masarap! Gusto ko lasa nito!
"Gamitin mo yung kutsara sa gilid," sabi pa n'ya at kinuha ko iyon. Kumuha ako at isinubo iyon sa bibig ko at grabe napakasarap! Parang pinapagaling nito sugat ko sa likod dahil sa lamig!
Napatahimik ako at tumingin sa ice cream na 'to. Bigla na lang tumulo muli ang luha ko habang iniisip yung nangyari kanina pero agad ko rin naman iyong pinunasan nang hindi s'ya nakatingin sa'kin.
"Ang sarap, Liam. Gusto mo?" alok ko sa kanya.
"'Wag mo'kong tawagin sa first name ko," malamig n'yang sabi. Hala? Para saan naman yung pangalan n'ya kung hindi yun ipapatawag?
Hindi pala s'ya dapat kumain ng ice cream kasi malamig na s'ya, baka mas lalo pang lumamig.
"Eh bahala ka, basta Liam itatawag ko sa'yo," pagpupumilit ko.
"Yumi?" taas-kilay na tawag n'ya sa'kin kaya lumingon ako sa kanya.
"Bakit?" takang sagot ko.
"Umiyak ka ba?" kinabahan ako sa sinabi n'ya at bumaling sa kung saan.
"Hey, answer me."
"Ha? Oo na, umiyak ako! Kala ko kasi may multo dito, eh!" pagrarason ko habang hindi makatingin sa mga mata n'ya.
Tinuloy ko yung pagkain ng ice cream at nakatingin sa kung saan.
"Akin na, ilalagay ko na lang sa ref at gabi na. Matulog ka na lang muna at bukas mo na lang 'yan kainin uli," sabi n'ya at inagaw sa'kin yung ice cream. Hala! Paano 'yan?
"'Wag mong bawasan, ah!" pagpapaalala ko sa kanya, baka kasi bawasan n'ya!
"Yah, yah, yah."
TO BE CONTINUED.....