CHAPTER 4: BLOOD IS THICKER THAN WATER!

1286 Words
GENESIS 1:7-8 And God made the firmament, and divided the waters which were under the firmament from the waters which were above the firmament: and it so. And God called the firmament heaven. And the evening and the morning were the second day. SASHA’S POV “Daddy, when I turn 25, I’m going to get married.” napahinto ako sa paghihiwa ng karne at binalingan ang dalawa nang marinig ko ang sinabi ni Misha sa ama. Hindi naman sa ayaw kong mag-asawa ang anak ko, peru napaka-bata pa niya… para mag-isip ng gano’ng bagay. At isa pa… hindi pa ako handa sa mangyayari kahit alam kong sobrang layo pa. Nakakalungkot lang isipin na do’n mapupunta ang mga anak ko. Nag-tama ang mga mata naman at tulad ko ay nabigla rin siya sa sinabi ng anak. Pa ‘nong ‘di ka mabibigla kung three years old pa lang kausap mo at naka-plano nang mag-asawa sa gusto niyang edad. Tinaasan ko siya ng kilay nang kindatan pa ako ng asawa kong magaling pa sa magaling. Parang wala lang kasi sa kaniya ‘yong sinabi ng anak niya. ‘Di ako nakatiis at agad na lumapit sa kanilang dalawa. Dahil mukhang walang balak ang ama ni Misha para pangaralan siya. “Princess, masyado kapang baby para mag-isip ng ganyang bagay. Dapat sa ganyang edad ay naglalaro pa ng mga toys or ‘di kaya mag-play kayo ni Kuya,” I told to my three years old daughter. Titig na titig naman siya sa ‘kin sabay nguso at binalingan ang ama. Pinangdidilatan ko naman ng mata ang asawa kong tutuk na tutuk rin sa ‘min. Bigla naman itong napakamot ng ulo at nginitian ang anak niyang nag-mana sa kaniya. Hayssttt! “Mommy’s right, baby. We should listen to mommy because she knows what’s best for you and Kuya, okay?” tumango naman siya sa sinabi ng daddy niya sa kaniya. Kaya’t ‘di ko mapigilang yakapin silang mag-ama. Naging OA man ang reaksyon ko, peru wala akong paki dahil sobrang saya ng puso ko na nagkaroon ako ng pamilyang kagaya nito. Mapag-mahal na asawa at mg anak. ‘Di ko man naranasan noon na magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya dahil maagang kinuha ng Diyos ang mga magulang ko… peru sobrang nagpapa-salamat pa rin ako sa kaniya dahil binigyan niya ako ng pagkakataon na maranasan ang ‘di ko naranasan noon. “So, Daddy, I will change my plan to get married; it depends on my mood, na lang po.” sagot naman ni Misha sa ama. Nagkatinginan kami ni Liam at maya’t maya pa ay sabay kaming napahalakhak dahil sa sinabi ni Misha. Pa ‘nong hindi? Kung sasabihan ka ng anak mo na magpa-pa-kasal siya peru naka-depende sa mood niya. ‘Di ka matatawa? Gosh! Laugh trip ‘tong anak ko ah…. kuhang kuha ang pagiging pilyo ng ama niya. Kahit sa’ng anggulo tignan manang-mana siya sa Daddy niya. Wala man lang tapon pati ugali nakuha pa! “And it depends on Daddy’s mood too.” sagot naman ni Liam sa anak sabay kindat. Kung kaya’t natawa rin si Misha sa banat niya. Ang sarap nilang pag-masdan na dalawa. Nakakataba ng puso dahil sobrang close nilang mag-ama. Kahit bihira at medyu busy ang asawa ko ay ‘di nawawala ang ang bond niya sa mga anak niya. Kahit sa ‘kin ay ‘di rin siya nawawalan ng oras, maging sa kama ay walang mintas. Napailing na lamang ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Tumalikod na ako at iniwan muna sila sandali. Unahin ko muna ‘yong pagkain namin para matapos na ako. Kasi kung tutunganga at makipagdaldalan ako sa asawa’t anak ko baka wala akong matapos na trabaho. Hindi ko pa nakikita ang panganay at ‘di ko alam kung ano ano ang pinaggagawa no’n. Hindi man lang magawang sumilip rito sa kusina para makiusyoso. Ano kaya ang pinagkakaabalahan no’n? “Hubby, saan ang panganay mo? Ba’t ‘di man lang magawang sumilip rito sa kusina?” naputol ang pag-uusap nilang dalawa ni Misha nang humarap ako sa kanila at tinanong ang asawa ko. “He’s busy, Mommy,” sagot naman ng anak ko. “Busy? Ano naman ang ginagawa niya para maging busy siya?” kausap ko sa anak, peru ang mata ko nasa ama nilang pangisi ngisi lang. Kung kaya’t tinaasan ko ‘to ng kilay dahil wala na naman akong tiwala sa mga pinagbibili nito sa anak. Kung ano kasi makita ni Llander ay sumusunod kaagad si Liam. Bagay na dapat may kasama talaga silang dalawa kapag lumalabas ng bahay. “He was busy with his new toys, Mommy. Are you mad at me, Mommy?” sabi ng anak ko. Nalipat naman ang tingin ko rito at nakita ko ang namumulang mga mata nito hudyat na malapit nang umiyak ito. Bigla akong kinabahan kung kaya’t mabilis ko itong nilapitan at niyakap. Sinabi kong ‘di ako galit sa kaniya at sa Daddy niya ako nakatingin hindi sa kaniya. “But why did your eyebrow rose up, Mommy?” naiiyak niyang sabi. “It’s for your dad, baby, not for you.” malambing sagot sa kaniya. Habang hinihimas ko likod at pinupunasan ang mukha niyang may tumutulong luha. Binalingan ko ang ama niyang mahinang natatawa habang nakatingin sa ‘ming dalawa ng anak niyang umiiyak na. Sinamaan ko nang tingin si Liam, at gano’n naman ang pag-iwas niya nang tingin sabay himas sa sentido na kala mo’y may high blood. Ako pa napahamak sa kaniya… kahit siya naman ang simaan ko nang tingin. Feeling tuloy ng anak ko siya ang tinitignan ko nang masama kahit ang daddy niya. “Mommy, I’m hungry,” pagsasabihan ko sana ang asawa ko ng biglang pumasok si Llander sa kusina habang humihimas sa kaniyang tiyan. “Oh… yes, baby, wait lang papatahanin ko lang si Misha, okay? Malapit na rin matapos si Mommy sa paglu-luto para makakain na tayo.” malambing kong sabi sa panganay ko. “Okay, Mommy.” nakangiti niyang sagot sa ‘kin. Kaya napangiti rin ako pabalik sa kaniya. Nang medyu napatahan ko na si Misha saka ko naman binalingan ang asawa kong kumukuha ng video. Tutok na tutok talaga sa ‘min ang camera nito para ma record ang bawat galaw naming tatlo. Minsan sinasama niya ang sarili niya para kunwari kasama siya sa eksena. ‘Di ko talaga maintindihan ang trip ng asawa ko. May pagka-video grapher, photo boomer, dramatista, artista, at marami pang-iba. Halos nasa kaniya na… pati baby maker magaling rin siya. Kaya ngang manang mana sa kaniya ang dalawa! ‘Di ko mapigilan ang irapan siya sa camera dahil naiinis na naman ako sa pagmumukha niya. Nang makita niyang masama na naman ang tingin ko sa kaniya ay saka pa lang siyang natigil sa ginagawa niyang pagbi-video sa ‘min ng mga anak niya. Agad naman siyang lumapit sa ‘min at kinuha si Misha sa ‘kin habang umiiwas ng tingin. Alam niya kasing naiinis na naman ako sa kaniya dahil sa kapilyohan niyang umaatake sa katawan niya. “Mamaya ka sa ‘kin!” gigil kong pagbabanta sa kaniya. Bigla naman siyang napatingin sa ‘kin habang namumungay ang mata at napapalunok ng laway niya. Kahit ‘di niya sabihin alam ko na naman kung ano tumatakbo sa isip niya. Bagay na umaatake na naman ang pagiging hayok niya sa kama. Kaya embis na mainis ay napapailing na lamang ako sa tatay ng mga anak kong wala ginawa kundi ang kalibogan sa katawan. Nangingiababaw talaga ang dugo kaysa sa tubig. Na kung sa english pa ay blood is thicker than water! Kaya ngang kuhang kuha at manang mana ang mga anak niya sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD