"So, tell me about your married life. Is it fulfilling lalo na ngayon na may anak na kayo? Does it change a thing when you gave birth? I mean, do you feel anything lacking with your relationship or you feel more of a content person?" usisa ni Harper nang mapag-isa sila. Natutulog na si ulit si Summer sa crib nito at nagpasya silang magkwentuhan muna habang nag-aalmusal.
Nagtataka siya sa pagtatanong na iyon ng kaibigan pero nagawa niya pa ring sumagot ng maayos.
"About my married life? Hmmm, maayos naman kami ni Moses. Kagaya pa rin kami ng dati, sabi nga ng iba naming kakilala parang magboyfriend-girlfriend pa rin kami kasi hindi nawawala 'yung sweetness namin sa isa't-isa. About giving birth, siyempre hindi mawawala 'yung pagbabago lalo na sa akin, alam mo naman hindi na kagaya dati 'yung katawan ko. But I'm still happy dahil secured naman ako sa asawa ko. He knows how I suffer while carrying our bundle of joy before and he was thankful. Nangako siya sa akin na hindi niya ako sasaktan at ang anak namin." Sagot niya. "And yes, kuntento ako ngayon pa na isa na kaming pamilya. Hindi ko rin nararamdaman na may kulang pa sa amin dahil hindi lang sapat sa akin ang mag-ama ko kung hindi sobra pa." Aniya na bahagya pang kinikilig.
"And for that reason, naiisip mo ba na hindi ka niya ipagpapalit? Let's say to a much younger or sexier girl out there? Someone who's tight down there? Has a sexy body, you know..." anito sabay tingin sa pagitan ng hita niya.
To be honest, Isla felt a bit offended. How could you say that to a person na kakapanganak pa lang? That could trigger something unusual. Gayunpaman, Isla choose to be a bigger person.
"About that, I know my husband. Hindi siya 'yung tipo ng mga lalaki na porke nanganak na ang asawa nila ay maghahanap na kaagad ng iba. Moses isn't like that, I'm lucky enough to marry a man and not a boy who doesn't know how to respect a person specially ang babaeng pinakasalan niya." Nakangiting sagot niya.
Nilalaro-laro niya ang wedding ring na suot niya. Their wedding band is one of her best possession. Hindi niya iyon tinatanggal kahit na maliligo o matutulog pa siya. For her, it's her way of reminding herself how lucky she was being tied to a man of her dreams.
"I see, you're lucky ha!" ani Harper. Tinungga nito ang tasa ng kape at ininom ang laman niyon. Bahagya pa itong ngumiwi pagkatapos. Hindi niya tuloy alam kung ngumiwi ito dahil sa pait na may asim o dahil sa cheesy na sagot niya.
"Maiba ako, ikaw naman ang tatanungin ko. Kumusta ang buhay sa America? Masaya ba? Kumusta pala ang family mo. May boyfriend ka na ba? Magkwento ka naman about sa buhay mo simula umalis ka rito sa 'pinas."
"I could say na mas mahirap ang buhay doon dahil mahal ang cost of living. But, more convenient in some way keysa dito sa atin. About my family, they're doing great." Ani Harper. Bahagya nitong iniwas ang tingin na parang halos ayaw nitong sumagot.
"How about boyfriend?" ulit niya sa tanong. Sinuri niya ang kaliwang kamay nito. Wala pang suot na singsing ang kaibigan sa palasingsingan nito.
"Nope! I don't have any. Fling lang ang mayroon ako. I'm not into commitment, it's a big no, no at least for me. I want freedom."
"What do you mean fling lang?"
"I don't put myself in a circle and stay around it for too long, Isla. I hate being restricted with things I want. My s*x life was fine without a permanent guy! I could f*ck a man like a wh*re and leave him as if nothing happened. Not a big deal for me," ani Harper na parang proud pa ito.
"W-what? Y-you mean?" nanlalaking aniya.
Sinimangutan siya ni Harper. "C'mon Isla, don't be too naïve. Hindi na uso ngayon ang stick to one. Why do that kung pwede namang iba-iba every week or month?" ani Harper. "Besides, uso 'yan sa ibang bansa. Wala na tayo sa panahon ng mga ancestors natin, hello!"
"Hindi naman kasi ako gano'n, sorry, na shock lang ako." hinging pumanhin niya.
"It's okay, hindi ka lang kasi sanay." Anito.
"Hindi ka ba natatakot?"
"Para saan?"
"Na baka magkasakit ka, alam mo na..."
"Oh, about that? Of course hindi naman. I choose a man whom I going to sleep with. Siyempre 'yung malinis naman, may magandang background at hindi 'yung basta lang nahablot diyan sa daan." Kampanteng sagot nito. Walang balak si Harper na sabihin sa kaibigan ang tungkol sa kanyang sugardaddy.
Napangiti si Isla. Sa tagal ng panahon na hindi sila nagkasama ng kaibigan ay tila nag-ibang tao ito. Hindi na ito ang dating Harper na halos hindi kumibo sa tabi niya. Naging liberated na ito at tila wala ng pagpapahalaga sa sarili.
"Anyway, enough with my life, okay?" anang kaibigan.
"Gusto mo bang mamasyal?" pag-iiba niya ng usapan.
"Nope, saan naman ako mamasyal? Sa MOA? Hindi bale na 'no! Mag stay na lang ako rito maghapon keysa mag-ikot do'n, ang cheap!" maarteng sambit nito.
"Grabe ka naman! Maganda naman sa MOA ah, lalo na sa may seaside. Madalas kami do'n lalo na sa hapon. Nanunuod ng paglubog ng araw." Aniya.
Nagpailing-iling si Harper na parang hindi interesado kaya hindi na rin siya namilit.
"Kumusta pala ang business mo? What its name again?" maarteng tanong ni Harper.
"IMS," sagot niya ng nakangiti.
"IMS? You mean, Isla, Moses and Summer?"
"Yes!" proud niyang sagot.
"I see, mukhang pinag-isipan ninyo ng todo 'yan ah!" anito na parang nakakaloko.
"Si Moses ang unang nakaisip niyan dati. Bakit mo naitanong?"
"Mukha kasing patok, I was thinking to stablished the same business as yours."
"Wow! That's a great idea!" segunda niya.
"Sa tingin mo tutulungan kaya ako ng husband mo sa pasikot-sikot ng ganyang business? I mean, I don't know much about car parts and all. I badly need his help. Hindi ka naman kasi pwede kasi stay-at-home mom ka na,"
"Sasabihan ko si Moses, I'm sure he won't mind. Mahilig sa sasakyan ang asawa ko. Hindi ako mapapahiya sa'yo!" aniya.
Tapos na siyang kumain kaya inimis na niya ang pinagkainan. Sinamantala na niyang tulog ang anak kaya siya na mismo ang naghugas ng mga pinagkainan nila ni Harper.
Naiwan ang kaibigan sa lamesa at napadako ang tingin nito sa malaking picture frame na nasa sala kung saan kuha iyon ng araw ng kasal nila ni Moses. Kaytagal iyong tinitigan ni Harper. Kung kaya lang magbasa ng mga mata ni Isla, malalaman niya kung gaano nakakatakot ang mga titig na iyon. Titig na may halong inggit at galit. Titig na naglalalagablab at nais na makapanakit.