Kabanata 5: Welcome Alexei

2032 Words
Napatingin si Lucita sa nakababatang kapatid na nakatambay sa balkonahe na para bang may hinihintay. Kumunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. Nakasuot pa siya ng uniporme dahil kagagaling pa lamang niya sa eskwela. Samantalang si Paulita ay mabilis lamang nakapagpalit ng pambahay nang makauwi. "What are you doing there?" untag niya rito. "Just waiting for a friend," sagot ni Paulita na hindi man lamang tumitingin sa kaniya. "Friend with whom? The kids you are with yesterday?" Hindi siya makapaniwalang inimbita nito ang mga kaibigang dayuhan. "Papa, will get mad at you!" Hindi nito pinansin ang pang-iinis niya. Nanatili pa rin itong nakatitig sa labas. Inaamin ni Lucita na palakaibigan ang nakababatang kapatid. Kahit saan man ito magtungo ay marami itong nagiging kaibigan. Hindi naman siya umaangal kung magkaroon ito ng mga kalarong kapitbahay. Ngunit sa dami ng bata sa bayan, pinili pa nitong makipaglapit sa mga dayo. Kung may pagkakataon, isusumbong ni Lucita ang kapatid sa kanilang ama. Sasabihin niyang nakikipagkaibigan ito sa mga batang refugee. Ngunit sa kasawiang-palad wala pa ring panahon ang ama para makihalubilo sa kanila. Kahit nasa bahay ito ay mas pinipiling magkulong sa opisina upang tapusin ang trabaho kaysa magbigay ng oras sa kanila. Napailing siya habang napapabuntong-hininga, kailangan niyang ipunin ang natitirang katinuan sa utak. Dahil sa nakakairitang sitwasyon ng kaniyang pamilya, madalas umiinit ang kaniyang ulo. Minsan gusto niyang sisihin ang ama dahil dinala pa nito sa Pilipinas si Paulita... Akmang aalis na siya sa tapat ng balkonahe nang mapansin niyang biglang nagningning ang mga mata at lumaki ang ngisi sa mukha ng kapatid. Tumingin siya sa tinitignan nito at napanganga sa dalawang taong paparating sa kanilang gate. Ang isa ay isang matangkad na binatilyong kulay abelyana ang buhok at isang batang lalaki na mahahalatang kapatid ng binata dahil halos magkapareho sila ng itsura. "Who is that?" nagugulumihanang tanong niya. Ngunit hindi siya pinansin ng nakababatang kapatid bagkos ay nasasabik itong umalis at bumaba upang salubungin ang mga bisita. Hindi maunawaan ni Lucita kung anong binabalak ng mga ito ngunit nanatili siyang nakadungaw sa teresa at pinapanood ang dalawang dayuhan na kausap na ngayon si Paulita. Naisip niya, "Ano bang paki ko?" Subalit natigilan siya sa pag-iisip nang mapansin ang bitbit na maleta ng binata. Hindi siya maaaring magkamali. Iyon ay lalagyanan ng biyolin... Hindi na nakapag-isip pa nang maayos si Lucita. Nahulaan na niya kung anong binabalak ng mga bisita at hindi siya papayag sa pinaplano ng mga ito. Natataranta siyang lumabas sa mansyon at lumapit sa tatlo. Natigilan naman ng mga ito sa pag-uusap nang mapansin ang paglapit niya. Hinihingal pa siyang tumigil sa tapat ng mga ito Nagkatinginan si Lucita at ang binatilyo. Pamilyar sa kaniya ang mukha nito ngunit hindi niya matandaan kung saan sila nagkita. Napakagandang kulay ng mga mata na karibal ng langit sa ka-bughawan na taglay. Hindi niya ikakaila, sa malapitan ay mas matangkad at mas gwapo pala ang lalaki. Maganda ang anggulo ng panga, natural ang pagkapula ng magkabilang pisngi, ngunit tila hindi marunong mag-ayos ng sarili dahil sa magulong kayumangging buhok nito. Sa ayos ng damit ay mukha siyang mahirap pero kahit nagmistulang dukha ay nakakakitaan pa rin ng angking kakisigan. Tumitig siya muli sa violin case na nakasabit sa balikat nito. "Uh... H-Hi?" Mukhang hindi alam ng lalaki kung paano babati. Naiilang na pilit itong ngumiti at nagtaas ng kanang kamay. Nang magsalita ito, bumaling muli ang mga mata niya sa gwapong mukha nito. "What are you doing here?!" masungit niyang umpisa. Pangit, gwapo, mabantot, mabaho, matangkad, maliit, bata o matanda — ayaw ni Lucita sa mga dayuhang tulad nila. Pare-pareho lamang silang walang silbi at abusado sa kaniyang paningin. Pakiramdam ng mga dayuhan na ito ay lahat ng Pilipino'y sasambahin sila na animo'y sila ang mga sugo ng Diyos. Naisip ni Lucita, hindi siya dapat magtiwala sa ibang mga lahi na siguradong may habol na naman sa Pilipinas. Ngunit nakakalungkot lamang na karamihan ng mga Pilipino ay uto-uto. "Uh..." Gusto nitong magsalita pero nasingitan ni Paulita. "Ate." Hinila ni Paulita ang damit niya at napatingin siya rito. "He's Mish's sibling. Mish told me that his brother is really good at playing the violin. I mentioned that Papa is looking for a violin teacher for you." "Ha?" Kumunot ang noo niya at lumaki ang buka ng bibig. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Paulita. "He's here to apply miss," sabat ni Mish sa kanilang dalawa ngunit hindi pinansin ni Lucita. Sa halip, napatingin muli siya sa binatilyong nasa harap. "You?" Tinuro pa niya ito. "Yeah," tango lamang nito. "How old are you?" "Ha? I'm 17. I'm gonna turn 18 in the next month." "Do you have a degree in music? Are you a professional violist?" "No I'm—" "Then you're not suitable for the job." Bahagyang nagulat ang binata sa narinig. Mukhang napagtanto nitong masungit siyang nilalang. Wala siyang pakialam sa kung anong isipin nito sa kaniya. At base sa nakangangang bibig, tila hindi nito alam kung anong itutugon at napatingin lamang sa mga kasamahang bata. Si Paulita ang sumagot sa kasungitan ng kapatid. Masama ang tingin na pinagtanggol niya ang mga dayuhan. "He's not asking for your permission! He should ask our father first, right?" "You!" Bahagya niyang hinila ang hibla ng buhok ng batang babae. "Ouch!" Nairita na napahawak ito sa buhok. Umangil ito sa kapatid bago bumaling sa lalaki at hinila ang mga kamay nito paalis sa lugar. "Come here! Don't mind the witch! Come inside, my father is on the second floor." Parang tuod naman na sumunod na lamang ang kaawa-awang binatilyo. "Hey! Youre so noisy! Whats going on there?" Lahat sila ay napalingon sa lalaking nakadungaw sa bintana ng pangalawang palapag. Punong-puno ng pagtataka ang mukha ng kanilang ama. Nahintakutan naman agad sina Lucita at Paulita sapagkat nahuli na naman sila ng ama na nagtatalo. Kunot ang noo at iritado itong bumaba sa hagdan saka nagmadaling lumapit sa dalawang anak na babae. Nagkatinginan at nagkairapan na naman ang magkapatid. "Great! Now we're going to get scolded again," aniya habang nakakrus ang mga braso. "Its your fault! You started it," ganti naman ni Paulita. "Nag-aaway nanaman kayong dalawa. Bakit ba hindi kayo magkasundong magkapatid ha?" iritadong sermon ni Ricardo habang lumalapit sa mga anak. Kahit ang pinatatamaan ay silang dalawa, nakatitig ito partikular kay Lucita sapagkat nasa isip agad na ang panganay ang nagsimula ng pagtatalo. Lingid sa kaalaman nila, aware si Ricardo na hindi gusto ni Lucita ang half-sister nito. Parang napahiya naman si Lucita na nag-iwas ng tingin ngunit hindi pa rin maipinta ang hilatsa ng mukha. "Who are these people?" Tumingin si Ricardo sa mga dayuhan. "They're my friends! Meet Mish and Alexei," masiglang pakilala ni Paulita sa mga ito — may inosenteng ngiti sa mga labi. Tumingin lamang si Ricardo sa dalawang lalaki. "Hello mister..." "G-Goodafternoon sir." Naiilang na bumati ang mga ito na para bang kinakapa pa kung paano makitungo sa kaharap. Subalit tumango lamang si Ricardo, bago pa man magsalita ang ama, sumabat muli si Paulita. "Mish and I are just gonna go fly a kite outside." paalam ni Paulita. " His brother, Alexei is here to apply, dad. I told him that you're looking for a violin teacher."" Saglit na tinitigan ni Ricardo si Mish na mukha ring inosente ang mga mata. "You can play outside, just don't go too far." "Yes!" masayang sabi ni Paulita na napasuntok pa sa hangin. "And you." Tinuro ni Ricardo sa binatilyong Russian. "Let's talk inside." "Yes sir." Tumango lamang nito. Napasimangot naman si Lucita dahil iyon lamang ang naging reaksyon ng ama sa ginawa ni Paulita? Akala niya ay papagalitan nito ang bunsong kapatid. "W-What!" Natamemeng bumaling siya sa ama." That's it?! Hindi n'yo lang ba papagalitan si Paulita?" Tinuro pa niya ang batang babae. "Nakikihalubilo siya sa mga batang refugee!" "Ha?" Ngunit pinagtaka lamang ni Ricardo ang sinabi niya. "I don't see anything wrong with that." Umiling ito. "What?!" Lalo lamang lumaki ang buka ng bibig ni Lucita. Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Paulita na ngayo'y nanunukso ang mukha at nag-belat pa. Lalo lamang nabuysit si Lucita, gusto na niyang ibaon sa lupa ang nakababatang kapatid. "We're going now!" ngunit maagap na nakaalis si Paulita bago pa man siya makapagsalita. Hinila nito ang kaibigan palabas sa gate. "Let's go!" Buysit na buysit si Lucita na sinundan ng masamang tingin ang kapatid. Pumasok na sina Ricardo at ang binatilyong Russian sa mansyon. Dumiretso sila sa despacho at naiwan siya roon na nagpuputok pa rin ang butsi. *** Maya-maya pa ay naisipan na rin niyang bumalik sa sariling kuwarto. Dire-diretso siyang umakyat ng hagdan habang mabigat at nagdadabog ang bawat yapak. Pagkapasok niya sa silid ay pabalang niyang sinira ang pinto. Kinagulat ni Nanay Pasing ang ingay niya habang nagwawalis ito sa pasilyo. Narinig pa nina Ricardo at ng binatilyo ang malakas na pagsara ng pinto sa itaas. Nasa unang palapag sila pero rinig na rinig nila ang pagdadabog ni Lucita mula sa ikalawang palapag. Nakaupo sa silya ang dalawa at sa pagitan nila ay naroon ang pahabang lamesa. "What is that?" tanong ng Russian. "That's my daughter. I'm sorry about that. She's a grouchy one." Natawa lamang ito. "But it seems that she doesn't like me." "Don't bother yourself," sabi ni Ricardo na binabasa ang mga papeles na dala ng binatilyo. "You studied music in Shanghai..." Tumango ang lalaki. "My daughter used to study in music school but because of bullies I transferred her to another school," paliwanag ni Ricardo na nakatingin pa rin sa papel. "She wanted to join this year's violin audition for the new members of Manila Orchestra." "Oh, that's the reason why she's eager to learn the violin." "She's passionate about it. She inherited that from her late mother." Hindi na nito alam kung anong sasabihin kaya nanahimik na lamang. "Anyway, Mr. Fedorov?" Tumitig siya sa binata. "Just call me Alexei, sir." Sinipat muna ni Ricardo ang binatilyo bago muling magsalita. Sa totoo lamang, alam niya kung bakit nag-aapply ito ng trabaho. May mga Russian refugees na nagbabakasakaling makahanap ng pagkakakitaan sa Guiuan para matustusan ang pangangailangan nila habang nandito pa sila sa Tubabao. Naalala niya ang masalimuot na kalagayan ng mga ito sa campsite. Kaya naiintindihan niya kung bakit desperado ang mga ito na makahanap ng mapapasukang trabaho. Alam niya ang hirap ng buhay sa refugee camp at naaawa rin siya sa mga tao roon. "Kapag tinanggap ko siya matutulungan niya ang anak ko at matutulungan rin niya ang sarili," naisip ni Ricardo. "At baka sakali rin, mabago niya ang pananaw ni Lucita tungkol sa ibang mga lahi." Tahimik lamang na hinintay ni Alexei ang pasya niya. "Okay, Alexei since you have met the requirements and put effort into this, you got the offer, congratulations." Nang marinig iyon ni Alexei, kumislap ang mga mata nito dahil sa labis na tuwa. "Thank you, sir! Really, thank you," paggalang nito. Nakita ni Ricardo na mukhang mapagkumbabang nilalang din ang binatilyo. "You can start tomorrow afternoon at 3pm. By the way, I hope you can be patient with my daughter's behavior. Please don't give up on her." "Y-Yes, sir." Pilit itong ngumiti at tumango lamang. "See you tomorrow," sabi lamang ni Ricardo at inilahad ang kamay sa harap ng binata. Tumayo na rin si Alexei at nakipagkamay rito. *** Matapos nilang magkasundo ay lumabas na si Alexei sa loob ng opisina. Nakangiti itong lumabas sa mansyon. Samantala, nakasilip naman si Lucita sa bintana at nakita niyang palabas na ang binatilyo. Nahulaan ng dalagita na papauwi na ang lalaki. At naisip niya, "Tinanggap ba siya ni papa? Sana hindi..." Pero hindi niya inaasahan na hihinto ito sa paglalakad at lilingon. Nakita siya nito sa bintana at ngumiti sa kaniya. Napakislot siya at hindi niya alam kung paano tutugon. Ngingiti rin ba siya, iirap o tatakbo palayo? Namula ang kaniyang magkabilang pisngi sapagkat nakaramdam siya ng matinding hiya. Bumilis ang t***k ng kanyang puso pero hindi niya alam kung bakit. Naiinis siya sa nararamdaman. Ayaw niya ng ganito kaya inirapan niya ang lalaki at umalis sa bintana. Napasimangot naman si Alexei sa inasta ng dalagita ngunit naalala nito ang binilin ni Ricardo— be patient with her. Napabuntong-hininga na lumabas na siya ng bahay. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD