Summer's POV: "Hindi 'ko ma isip na ang matibay nilang samahan ay na sira lang dahil sa sobrang kasakiman at pag hihiganti." Inilapag 'ko ang isang basket ng puting rosas sa harap ng puntod ng mga magulang at ng mga kapatid 'ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyari at hindi 'ko pa rin matanggap na wala na sila at ang mga taong dahilan ng pagkawala nila. "Nagpalamon at nagpabulag kasi sila sa galit at kayamanan." Dagdag naman ni Maxus na nag sindi ng kandila para sa ama nito. Alam 'ko na kung may mas nasasaktan ngayon sa amin ay si Maxus iyon. Mahirap para sa kaniya na tanggapin na ang pumatay sa sarili niyang ama ay kaniyang ina pero hindi niya ito magawang sisihin dahil kung hindi iyon ginawa ng mama niya sigurado na baka patayin na rin kaming lahat. "

