Raine's POV: Nanginginig ang kamay 'kong nabitawan ang baril ng makalayo ako mula sa lugar kung saan 'ko pinatay ang mag asawang Fortaleza. Para akong nakaramdam ng pagkahilo at gusto 'kong sumuka. Hindi iyon ang unang beses na nakakita ako ng patay na tao pero iyon ang unang beses na ako mismo ang pumatay sa kanila. Hindi ma alis ang panginginig ng buo 'kong katawan habang damang dama 'ko ang panlalamig 'ko at ang butil butil na pawis na pumapatak sa noo 'ko. "H-hindi--" napasabunot ako sa sarili habang naririnig 'ko at nakikita sa isip ang hiyawan ng mga tao kanina at ang kung paano umiyak ang mga kasamang bata ng mag asawa. Kasalanan 'ko kung bait wala na silang magulang, ang sama 'ko. Hindi 'ko dapat iyon ginawa. Hindi 'ko dapat sila pinatay. Mariin akong napahawak sa ulo 'ko at

