Summer's POV: "Welcome to my world, Night." Napangiti ako ng mapait kay Night at wala na akong ibang choice kung hindi ang harapin siya. Kahit anong gawin 'kong tago, mag tatagpo at mag tatagpo talaga ang landas naming dalawa. At ito na 'yun, ang araw na kinakatakutan 'ko. Ang malaman niya kung gaano ako kasama, kung gaano ka-demonyo ang babae na halos sambahin niya simula noon. "H-Hindi-- Sabihin mo sa'kin na hindi ikaw ang--" "Ako nga ang hinahanap mo, Night." Pilit akong tumayo at bahagya pa akong napangiwi ng dahil sa ginawang pag baril sa akin ni Night. Konti na lang lulumpuhin niya na ako, siguradong nag dalawang isip siyang patayin ako dahil alam niyang babae pa rin ang kalaban niya. Sinalubong 'ko ang tingin nito at kita 'ko pa sa mata niya na gusto niya akong alalayan pero

