Note: Hi! There will be two situations in this chapter the present and the future (present in nature as narrated), meaning may isang situation then biglang jump sa isang event. Hope you'll understand my chaotic mind. Third Person's POV: Sabay na napalingon si Max at Summer ng bumukas ang pinto. Hindi napigilan ni Max ang mapangisi ng makita kung sino ang dumating at si Summer naman ay natutuwa dahil hindi siya nito binigo. Sa isip ni Summer ay talagang kakatayin niya si Maxus kung hindi pa rin nito napa-oo si Raine pagkatapos nitong ipabaril si Night. "Hindi pa naman ako late diba?" Wala sa loob ni Raine na tanong sa dalawa. Naiilang siya hindi dahil sa presensya ng dalawa kung hindi dahil sa bagay na pag uusapan nila. Isa siyang alagad ng batas noon pero ngayon, kasama niya na an

