Raine's POV: Ah, bwisit! Akala ba niya hindi 'ko alam na ilang araw niya na akong sinusundan kahit saan ako mag punta-- kulang na lang pati pag CR 'ko ay nandun din siya. Naiinis na talaga ako sa kaniya, sa haba ng pasensya 'ko, itong lalaki na 'to ang umubos. Napahinto ako sa pag lalakad at napahinto rin siya, pumasok ako sa isang fast food chain at pa-simple naman siyang sumunod. Nagugutom na ako dahil ilang araw na ako hindi makakain ng ma ayos dahil sa pagkawala ng lamesa 'ko, bukod sa nag luluksa ako sa yumao 'kong lamesa ay wala rin akong trabaho. Lahat sila ni re-reject ako sa oras na makita pa lang nila ang pangalan 'ko. Hindi 'ko tuloy mapigilan isipin na kagagawan niya ito para mapilit akong mag trabaho sa kaniya. Imbis na pumila sa counter ay dumiretso ako papasok sa may C

