CREAM ANN
NAKASIMANGOT siya pagbalik niya ng hotel room. Wala na siya nadatnan na Twix sa loob. Malinis na malinis ang buong kwarto na parang walang naganap na romansahan.
Napabuga siya nang malalim na paghinga sabay bagsak ng katawan sa kama. Bumili pa naman siya ng pagkain para kay Twix 'yon pala aalis na ito.
Pumikit siya. Nais niya umasa na baka may pinuntahan lang ang binata at babalik ito muli.
Subalit lumipas ang buong araw ay walang Twix Donovan na bumalik. Nasayang ang isang araw niya dahil hindi siya lumabas ng hotel room. Nakontento na lang siya sa panunuod ng telebisyon.
Anong klaseng trip 'to kung magmumukmok lang ako rito?
Malakas na hinagis niya ang unan sa tabi niya. Naiinis na tumayo siya at muling nagbihis.
"I don't care kung 'di na siya bumalik. I will enjoy this trip no matter what happen!" iritableng aniya.
Alas siete na ng gabi kaya lumabas na muli siya ng hotel room. Mamasyal siya mag isa iyon naman talaga ang unang plano niya. Stick to the main plan!
Naisipan niya magtungo sa Sensoji Temple. Ang pinaka matandang temple sa Tokyo. Magandang tourist attraction ang lugar dahil maraming ilaw ang temple sa gabi at dinidumog talaga ng mga tao.
Panay kuha niya ng larawan kahit papaano, nawala sa isip niya ang pang iiwan ni Twix sa kaniya ng walang paalam. Sunod na pinuntahan niya ang Shibuya. District ng Tokyo na gising na gising ang lahat. Sentro rin ang lugar ng mga kabataan. Doon na rin siya kumain ng hapunan nang matapos kumain. Naglakad-lakad siya at inilibot ang paningin sa mga naglalakihan instraktura at nanunuod sa mga taong dumaraan.
Hindi siya nagtataka kung bakit maunlad ang Japan dahil disiplinado ang mga tao. Nakakatuwa. Hinding-hindi siya nagsisisi na Japan ang napili niyang puntahan.
Napabuga siya nang malalim na paghinga sabay nangalumbaba. Biglang pumasok sa isip niya si Twix, nawala na lang ito na parang bula. Hindi man lang nag abalang magpaalam.
Why do I feel so stupid? Hmp!
Pagbalik niya sa hotel kaagad siya nakatulog. Susulitin na lang niya ang bakasyon niya, magpakita man o hindi si Twix ay bahala na ito sa buhay nito. Sa susunod talaga hinding-hindi na niya kikibuin o kakausapin ang lalaki na 'yon.
So, if nag-s*x kami? lust time!
Kinabukasan, inubos na lang niya ang oras sa pamamasyal at pagsa-shopping kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya at nag enjoy naman talaga siya. Pagkatapos mag-shopping sa Sumida River siya next na nagtungo. Tumambay siya muna saglit doon habang umiinom ng banana milk. Sumunod naman sa Tokyo Tower siya nagpunta, medyo padilim na kaya mas kitang kita ang ganda ng lugar dahil sa maraming kumikinang na ilaw sa paligid ng tower.
Ilan saglit pa ay nakatanggap siya nang tawag sa Ate Coffee niya.
"How's the trip?" bungad agad ng Ate niya.
She smiled a bit. "It was fun."
"Really? Why you sounds converse?"
Napailing siya.
"Masaya ate. Nag-enjoy ako super."
"If you say so. Saan mo pa gusto mamasyal?"
Gusto niya magsabi na gusto niya pa pumasyal subalit biglang tinamad ang kaluluwa niya, parang bet na niya umuwi.
"I would love to travel more, Ate but--hinahanap na ng katawan ko ang trabaho." Aniya.
Pagak na natawa ang Ate Coffee niya sa kabilang linya.
"Sure ka trabaho ang hinahanap mo?"
May halong tudyo iyon pero hindi niya pinahalata.
"Oo naman, Ate. Masayang masaya ako sa trip na 'to. First time ko 'to at super thank you ako sa'yo, Ate." Nakangiting wika niya.
"Okay good anytime you want to go back just book a ticket, alright? Pasalubong ni Papa bili ka rin."
"Matic na 'yan, Ate." Natatawang bigkas niya.
Marami rin siya binili mga damit at gamit na pasalubong niya kay Papa. Matagal pa silang nag-usap ng Ate niya saka lang siya bumalik sa hotel.
Pagdating niya sa lobby ng hotel, 'di sadyang may nabangga siya matangkad na lalaki. Napatingin siya sa lalaki at gano'n din ito sa kaniya.
Parang greek god ang itsura ng lalaking nasa harapan niya. May kahabaan ang buhok nito at kahit kupas na maong at leather boots ang suot na porma nito ay malakas ang appeal nito.
"I'm sorry." Hingi niya paumanhin sa lalaki.
"Sorry accepted, cutie." Malawak na ngumiti ito sa kaniya.
Kung maluwag ang salawal niya baka kanina pa nahulog. Napakapa pa siya sa panga niya baka nakanganga siya, maigi na lang na hindi siya nakanganga.
Did he called me cutie?
Mayamaya naglahad ito ng kamay sa harap niya. Napatitig siya sa kamay ng lalaki.
"What's that for?" walang muwang na tanong niya. Ano meron?
"It's handshake."
Oo nga naman. Handshake.
Mabilis siya tumalima at tinanggap ang pakikipag kamay ng gwapong lalaki.
"I'm Cream Ann."
"As in Cream?" Paninigurado nito.
Bahagya siyang tumango.
"Geez. Nice name. Sweet! Anyway, I'm Zeki White. Nice to meet you, Cream Ann." Pakipagkilala nito.
Hmm, Zeki White? Bagay na bagay sa lalaki ang name nito.
"I should go, Cream Ann. My kids are waiting."
Nalaglagan yata siya ng bakal sa balikat kaya biglang bumagsak iyon. May anak na pala ito. Sayang. Tsk!
Kiming tumango lang siya saka tinanaw na lang ang paglalakad ni Zeki palayo.
Umingos siya. Hindi siya desperada magka-jowa. Wala siya panahon para manghinayang. Nagkibit balikat na lamang siya sabay akyat patungo sa hotel room niya.
Bukas na lang siya babalik pauwi. Sapat na ang pag gala niya sa Japan. Back to reality naman na. Kaagad siya nag-book ng ticket pabalik ng Maynila at tumawag sa Papa niya na uuwi na siya.
Mayamaya pumasok na naman sa isip niya si Twix pati na rin ang mainit na ganap sa pagitan nila ng binata. Piniling niya ang ulo niya.
Ayoko na maging desperado at maging marupok.
Kailangan na niya gumising sa katotohanan na walang ng lalaking magseseryoso sa mga babaeng matataba. Kadalasan ang hanap ng mga lalaki ngayon ay iyong mga sexy at pang model ang katawan.
Pabagsak na humiga siya sa kama at pumikit. Bukas na umaga ang balik niya sa Maynila. Sayonara Japan! Goodbye Twix!