TWIX POV KASALUKUYAN nasa yate siya kasama si Noriko, si Reese na bagong dating pati na rin si Marshall na may pasa sa kanang mata. "Inumin niyo 'yan ako nagtimpla n'yan! masarap 'yan. Swear!" alok niya sa tatlong kasama ng Gin na alak na hinalo sa juice. Lahat naman ay tumikim. "Agh! Lasang juice!?" reklamo ni Noriko. Nagpantay ang dalawang kilay niya. "Of course, may juice e, mótherf*cker!" singhal niya. Nakita naman niyang napailing si Reese sabay tingin kay Marshall. "Kasal ka na raw sabi ni Nanay," tanong ni Reese. "Yeah." Matamlay na tugon nito saka nagsalin uli ng alak sa baso sabay tungga. "Hindi ba obvious? Mukha pa lang niya, mukhang nainlove na ng todo sa kaniya ang asawa niya." Pabirong sabi niya na ikinatawa naman ni Noriko. Marshall raised his middle finger. "I do

