CREAM ANN POV HINDI na niya alam kung ilan oras, araw, o linggo na siya nakakulong sa isang maliit na kwarto na tanging papag lang ang laman. Muli niyang niyakap ang mga tuhod at pinunasan ang basang pisngi. Nang maramdamang may papasok sa kwarto mabilis siya sumiksik sa gilid ng papag at yumuko. May naghagis ng damit sa sahig. Napasulyap siya sa isang puting bestida na nasa sahig, saka tumingala sa taong pumasok sa kwarto. Isang matandang lalaki, marahil senior na ito base na rin sa itsura nito. Gayunpaman, tila pamilyar ang mukha ng matanda na para bang nakita na niya ito hindi lang niya matandaan kung saan. Ito ba ang tinutukoy na boss ni Miles? Nilukob nang matinding takot ang dibdib niya, hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kaniya kung bakit siya naroroon. Gusto niya umiyak mu

