TWIX ISANG lagok ang ginawa niya sa bote ng brandy hawak niya. Ewan ba niya bakit malungkot ang pakiramdam niya. Napabuntong hininga na lamang siya. Nang akma siya uli lalagok ng alak ay may isang kamay na pumigil sa braso niya. Napatingin siya. Oh, Damn! Kasama nga pala niya si Diego. Nawala sa isip niya. "Tama na 'yan. Dapat do'n na lang tayo sa Black Club nag inom, hindi dito." Pigil na wika ni Diego sa kaniya. Napalingon siya. Nasa isang tindahan pala sila 'di kalayuan sa Black Club. Napatitig din siya sa hawak niyang alak. Alfonso? Hmm, not bad. Masarap ang alak. "H-How much is this?" Tanong niya sa matandang tindera. "280." Napatitig siya sa alak. 2,800? or 280,000? Kaya pala masarap kasi mahal. "It's only two hundred eighty." Pagtatama ni Diego na kinakunot niya ng noo.

