CREAM ANN "ARE YOU sure, Ate? Okay lang ba talaga siya?" Nag aalalang tanong niya sa Ate Coffee niya saka inilipat ang tingin kay Twix na nakahiga sa sahig. Hinawakan siya ni Ate Coffee sa braso. "Don't mind him, hang over lang 'yan. Ikaw ang dapat kong tanungin, anong nararamdaman mo? 'yun paghinga mo okay ba? Masakit pa ba mga legs mo pag naglalakad ka? You know, it's totally normal na manginig ang mga tuhod at binti mo dahil sa tagal mong na comatose." Pagpapaliwanag nito at saka siya inalalayan palabas ng kwarto, lumingon siya kay Twix na nasa sahig pa rin. "H-Hahayaan lang ba natin siya sa--" "Tsk, I said don't mind him. Gigising din 'yan mayamaya. Tara na sa baba," Yakag naman ni Ate Coffee sa kaniya. Nang tuluyan makababa, napangiti siya nang makita si Kuya Noriko, si Papa,

